Posted by: pinoy atbp! | October 12, 2009

Hagupit Ni Pepeng!

satellite

Hindi pa man nakakagalaw ng maayos ang ating bansa dahil sa pagsalanta ni bagyong Ondoy ang ating bayan, heto’t hinagupit naman tayo ni bagyong Pepeng (PARMA) nitong pagpasok ng Oktubre – siyang kalalabas lamang ni Ondoy.

Halos pagkalipas lamang ng isang linggo ay sumalanta etong si Pepeng na nagdulot na malawakang pagbaha sa Pangasinan, Baguio, Ilocos, Tarlac, Pampanga, Cagayan at ibang parte ng Bulacan. Nagkaroon din ng mga sunod-dunod na landslide sa mga parte ng Ifugao at Benguet. Nag-iwan ito ng mga pagkabitak ng mga pangunahing kalsada papuntang Pangasinan, La Union at Baguio. Umabot na sa 40 ang naitalang landslide.

Impassable pa rin ang Marcos at Kennon Road habang ang Naguilian ay isanasaayos pa rin sa mga sandaling ito ang kalsada.

SA kasalukuyang tala ay umabot na sa P15.5 Bilyon halaga ang nasira sa agrikultura, inprastraktura at mga pang-kabuhayan sanhi ng dalawang bagyo.

Umabot na rin sa 500 ang mga naitalang nasawi bunsod ng mga pag-baha at pag-guho ng mga lupa mula sa mga katabing bundok ng mga apektadong lugar ng bagyo.

Dahil na rin sa pagpapalabas ng tubig mula sa San Roque Dam, naapektuhan na rin ang Calumpit sa Bulakan na hindi naman nasalanta nuong dumaan si Pepeng. Nagulat ang mga residente dito dahil sa bilis ng pagtaas ng tubig na halos umabot na rin sa lagpas-taong tubig-baha.

Nanganganib na rin ang mga bata at iba pang mamamayan na nasa evacuation centers dahil sa mga pagkalat ng mga sakit na leptospirosis at dengue.

Sampung araw pagkatapos manalasa ni Pepeng ay unti-unting bumabangon ang mga bayang naapektuhan ng bagyo katulad ng Pangasinan, Baguio at Tarlac.

Panibagong simula na naman para sa mga residente dito. Lubhang nakakalungkot lamang na ang mga pinagkukunan ng mga pangkabuhayan nila ay nasira ng bagyo katulad ng mga palayan, maisan at palaisdaan.

Marami ring establisyemento ang lubhang nasalanta at nalugi dahil sa pangyayari.

Posted by: pinoy atbp! | October 9, 2009

SM Advantage Rewards!

Naisipan kong dumaan kanina sa SM Marilao pagkatapos kong magbayad ng electric bill.

Nag-ikot ikot lang naman ako bago ako tuluyang umuwi ng bahay. Tumingin-tingin din ako ng dvd player at nag-hanap ng remote control para sa aming tv. Konting silip at testing at bibilhin ko na sana ngunit di napagana nung empleyado ng appliance center ung remote.

Bumaba ako sa may grocery at pumili ng maipapasalubong at ng makapili nako ay tumuloy nako sa kahera.

SM Advantage Card

SM Advantage Card

“Sir, may Advantage Card po ba kayo?” Alam ko na iyun ang itatanong sa akin kaya inilabas ko na agad ang aking SM Advantage Card. Habang kinokompyut iyung aking babayaran ay tinanaong ko iyung kahera kung ano-ano ba ang nmakukuha kong points sa pag-gamit ng Advantage Card. Natuwa naman ako ng sinabi sa akin na maaari kong magamit pambayad ung mga points ng aking AC.

“Wow!” ang nasabi ko sa aking sarili kaya agad kong pina-check kung ilan na ang points ko at nung malaman ko na pwede kong magamit na pambayad iyung laman ng aking AC ay sinabihan ko agad iyung kahera na iyun na ang gagamitin kong pambayad.
Biniro ko pa siya kung pwede ko rin kayang i-withdraw ung points sa mga atm ng BDO. Siyempre hindi pwede hehehe.

P393.00 ang total bill ko at sa panahon ngayon malaking bagay na iyun na makatipid sa mga gastusin. Okey naman pala talaga iyung ilang beses kong pamimili sa mga sangay ng mall na ito gamit ang Advantage Card. P200.00 worth of items bought = P1.00 ang katumbas ng bawat puntos. At kung iisipin, halos humigit kumulang na P70,000 na pala ang nagastos ko sa mga nakaraang buwan. Maige rin naman pala na mayroong Advantage Card.

Eto iyung first time ko na magamit ang mga points ng aking Advantage Card at masasabi ko na ADVANTAGE NGA ang SM Advantage Card!

Sa nakakalungkot na balita naman:

Sa oras na ito ay sinalanta ng malaking baha ang mga probinsiya ng Baguio, Cagayan, Pampanga, Pangasinan, Ilocos Sur, Ilocos Norte, Tarlac at iba pang karatig pook dahil sa pananalasa ng bagyong Pepeng. Ika-tatlong beses na itong pag-hagupit ni Pepeng pagkatapos ng pagsalanta ni Tropical Storm Ondoy sa Metro Manila, Marikina, Bulacan, Laguna, Quezon City at iba pang lugar noong nakaraang Septyembre 26, 2009.

Isa ang SM Mall sa mga tinamaan ng mga pag-baha ng mga bagyong dumaan. Sa kasalukuyan, binaha din ang SM Rosales dahil sa hindi mapigilang pagragasa ng tubig-baha sa Pangasinan.

Mabuti naman at paalis na si Pepeng palayo sa ating bansa at sa ganap na ika-9 ng gabi bukas, ibinalita ng taga-pag salita ng PAG-ASA ang paglayo ni Pepeng sa ating Area of Responsibility.

Maraming nasirang sakahan, pala-isdaan at kabuhayan ang bagyong Pepeng. Marami na rin ang naitalang namatay at nawawala. Sinisikap naman ng NDCC at iba pang ahensiya at mga private organizations, katulad ng Philippine Red Cross, na umalalay, tumulong at mag-ligtas sa ating mga kababayan na na inabot ng malaking pag-baha sa maraming lugar sa Northern Luzon.

Sunod-sunod na bayo na ito sa ating bansa. Mabuti na lang at hindi tayo masyadong ginulo ni bagyong Quedan, ngunit sa Japan naman ay nai-ulat ang malaking perhuwisyong idinulot ni Melor (international name ni Quedan). Kabi-kabilang tsunami, lindol at bagyo ang nararanasan ng iba’t-ibang bansa rin, isang patunay na masyado ng malaki ang pinsala na nagdudulot ng climate change sa buong mundo.

Kailangan lang ay ang madaliang pagkilos ng lahat ng lider at mamamayan ng bawat bansa para mapangalagaan pa natin ang ating Inang Kailikasan at ang ating mundong tinitirhan.

Posted by: pinoy atbp! | September 28, 2009

Bagyong Ondoy 2009!

ondoy
It was the eve of September 26, 2009 – the day that Typhoon Ondoy (International name Tropical Storm Ketsana) strucked in the Northern Capital Region (NCR) of the Philippines, nang unang maramdaman ang parating na hagupit ni Ondoy.

Gabi pa lang ng biyernes, Septyembre 25, ng maramdaman ko na may paparating na nga na bagyo – as have seen and heard also from the announcement of PAG-ASA. That night you can already feel that something heavy is going to drop from the sky.

Umaga ng sabado, September 26, tuloy-tuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan mula pa nung kinagabihan at unti-unti ko na ring naiisip na mukhang malakas nga si Ondoy.

Ika- 11 ng tanghali biglang nagtaasan na lamang ang mga tubig baha sa iba’t-ibang panig ng Metro Manila, Bulacan, Marikina, Cainta, Rizal, Laguna, Quezon City, Valenzuela, Malabon, Alabang at marami pang lugar. Sabi nga ng ilan, segundo lamang ang bilis ng pagtaas mula isang pulgada hanggang lagpas-tao na sa ibang lugar. Iyun na pala ang simula ng national disaster!

Bumuhos pa ang malakas na ulan at halos lumubog na sa mapa ang maraming kabayanan at marami na ang humihingi ng tulong. People are already getting stranded from different places! Cars became submarines as they submerged into the ravishing flood! Houses built and lived by residents for so many years also submerged and only the roofs are seen from above! And the worst of it all – after two days (September 28), there is already a confirmed report of 140 total death brought by typhoon Ondoy!

Bakit nga ba nagkaganito? Sabi ng ilan – lalo na mga nakatira sa Ortigas Extension eh ngayon lang daw nila naranasan ang ganitong pagbaha sa tanang buhay nila. Marami na tuloy na panawagan ang idinaing sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno at mga tv networks ang ipinarating dahil sa emergency na ito. Salamat na lamang at marami naman na nagtutulungan upang magsagip at makatulong sa mga kababayan na nasadlak sa ganitong pangyayari. Ilang pulitiko na rin ang umikot upang tumulong sa mga nasalanta – isang gawi na dapat lang din na ipakita nila (lalo na ng mga naghahangad ng posisyon sa darating na eleksiyon sa 2010).

Maraming buhay, bahay, ari-arian ang nawala dahil sa bagyo at bahang dulot ni Ondoy. Maraming dahilan ang ikinakabit sa pangyayaring ito. Isa na dito ang walang habas na pag-tapon ng mga basura. Dahil na rin sa mga kaliwa’t kanang pagputol ng mga puno sa kabundokan, nawawalan na tuloy ng tanging proteksiyon sa pagragasa ng tubig ulan ang kapatagan. At isa pang dahilan – ang pagbukas ng Angat Dam.

Taong 1978 nang makaranas ang probinsiya ng bulakan ng malakihang pag-baha dulot ng pagbukas ng Angat Dam. Binubuksan ang pinto ng dam kapag nagkakaron ng pag-dami ng tubig sa loob ng dam dulot na rin ng walang tigil na pagbuhos ng malakas na pag-ulan at bagyo. Dahil dito sa pagbukas ng pinto, apektado ang mga bayan na napapalibutan sa Bulakan. Kung hindi magpapakawala ng tubig ang dam, mas lalong malubhang problema ang idudulot nito. Hindi rin naiwasan na nuong Oktubre 1978, marami din ang nasawi at nasirang kabuhayan dahil sa pagbukas ng dam. At makalipas ang halos 31 taon, muling naulit ang isang hindi magandang pangyayari.

Taon 2009 ngayon, sa muling pagbukas at pagpakawala ng tubig ng Angat Dam, maraming lugar ang inabot ng tubig baha, hindi lamang sa mga bayan ng Bulakan, ngunit pati na rin sa bayan ng Rizal, Cainta, Manila, Valenzuela, Quezon City, Las Pinas, Cavite, Pampanga at marami pa at hanggang sa kasalukuyang oras ngayon (21:35 Manila Time) marami pa rin ang hindi pa nakakrekober sanhi ng pananalasa ng bagyong Ondoy na sa kabutihang palad naman ay nakaalis na ng bansa. Ngunit sa pag-alis ni Ondoy, mga bakas ng kaniyang hagupit nag iniwan sa atin. Hindi pa man nakakapag-umpisa ang iba nating kababayan sa paglinis ng kanilang mga nasalantang kabahayan ay may ulat na tayong narinig na may tropical depression na paparating na naman at kung hindi raw ito lilihis (ayon sa PAG-ASA) ay tatama ito sa Northern Luzon, na naman!

Maraming nasawi, nawawala at nasirang kabuhayan ang lumalabas ngayon kasabay ng pag-silip panandalian ng haring araw. Huminto na ang ulan at lahat ay nagdarasal na sana ay magtuloy-tuloy na ang pag-sikat ng araw upang makapag-linis at makapag-umpisa na ng buhay ang mga nasalanta nating kababayan. Many are looking forward that this disaster ends from here, although this is a natural disaster and nobody knows and predict what’s gonna happen next – all just can pray that everything’s gonna be ok.

Ang Pinoy naman, kahit na anumang sakuna at problemang kinakaharap ay nakukuha pa ring ngumiti – katulad na lamang ng makikita sa litrato sa itaas. Makikitang lubog na ang kakalsadahan subalit makikita pa rin ang mga ngiti sa mukha ng ating mga kababayan.

Ganyan ang Pinoy! Sa mga lupit at hagupit na dumarating sa buhay ay hindi pa rin magpapatalo at siguradong babangon at tatayo upang makapag-simula ulit ng bagong buhay!

Sa mga volunteers, foundations, survivors at mga naapektuhan ng bagyo, sama-sama nating hinarap ang sakunang ito ngunit alam natin na makakaahon pa rin tayo! Sa mga rescuers na nasawi sa pag-sagip ng ating mga kababayang nasalanta, mga bayani kayo!

Sa oras na ito, the National Disaster Council has already suspend classes from all levels, private and public schools, until Wednesday in Metro Manila and Marikina, and until further announcements. In Bulacan there is also an announcement earlier from Governor Jon Mendoza to suspend classes also. School administrations are given the go-signal for their discreetion to suspend their classes in areas affected by the typhoon.

Reminder to all, keep on your monitor from your tv’s and radios for further updates and announcements.

Readers may write your updates, announcements and/or your experience of this typhoon Ondoy here on our comment box.

Lastly, marami ding nai-ulat na nag-sasamantala sa kasagsagan ng bagyo! Nag-sasamantala sa pag jacked up ng presyo ng bilihin – MAHIYA NAMAN KAYO! At sa mga nanamantala sa pag-nanakaw sa loob ng mga bahay na nasalanta habang ang mga may-ari ay lumikas para sa kanilang kaligtasan – MAGTIGIL NAMAN KAYO!

Posted by: pinoy atbp! | September 17, 2009

NOYNOY FOR PRESIDENT!

newsbitesfanzine

Posted by: pinoy atbp! | September 17, 2009

CHOOSE: EVOLUTION PARTY II

CHOOSE

Posted by: pinoy atbp! | August 1, 2009

Paalam: President Corazon C. Aquino 1933 – 2009

President Corazon C. Aquino 1933 - 2009

President Corazon C. Aquino 1933 - 2009

Ang kaunau-nahang babaeng Presidente ng Pilipinas, si Mrs. Corazon (o Cory) C. Aquino ay sumakabilang buhay na mga kababayan.

Isang malungkot na umaga sa kauna-unahang araw ng Agosto ng 2009 ang balitang pagpanaw ng isang pinuno, makabayan at ina ng bayan.

Eksaktong alas tres at ika-labing walong minuto nitong madaling araw, sumakabilang buhay ang dating Pangulo sanhi ng Cardio-Respiratory Arrest bunsod na rin ng kaniyang sakit na Colon Cancer na tumagal ng halos isang taon at apat na buwan.

Bago pumanaw ang dating Pangulo, nagkaroon ng malawakang vigil at dasal sa iba’t-ibang panig ng bansa upang ipagdasal ang kalagayan ni Gng. Aquino na noo’y nakaratay pa sa Makati Medical Center.

Nauna ng ipinahayag kaninang umaga ni Benigno “Noy-Noy” Aquino III ang malungkot na balita ang pagpanaw ng kaniyang ina nanaging ika-labing isang Presidente ng Pilipinas. Ipinaglaban ni Cory ang kalayaan at demokrasya pagkatapos ng dayaan sa halalan noong 1986, kung saan nakilala ang People Power ng Pilipinas sa buong mundo.

Ang pagpanaw ng dating Pangulo ay pinaniniwalaang malaking kawalan sa mundo ng pulitika at ng bawat simpleng mamamayan. Naging simbolo ng demokrasya at kalayaan si Tita Cory kahit na noong natapos pa ang kaniyang paninilbihan bilang Presidente ng Pilipinas. Naging advisor, confidante at kaibigan siya ng malalaking pigura sa pulitika kabilang na ang dating Presidente Fidel V. Ramos.

Ang pakikipaglaban ng dating Pangulo sa kaniyang karamdaman ay binantayan hindi lang ng buong Pilipinas, maging sa ibang bansa rin. Maraming kababayan ang naninirahan na rin sa iba’t-ibang panig ng mundo ang nakikiramay sa pagpanaw ng dating Pangulo.

Nauna ng ipinahayag ng kasalukuyang Preisdente Gloria Macapagal-Arroyo ang pakikisimpatiya niya sa pagpanaw ni Pangulong Cory at idineklara ang sampung araw ng pakikipagdalamhati sa buong Pilipinas. Si PGMA ay kasalukuyang nasa Estados Unidos ng matanggap ang balita ng pagpanaw ni Tita Cory.

Bago namatay si Gng. Aquino ay halos ilang araw na rin siyang tulog upang maibsan ang sakit na nararamdaman. Ilang araw din na walang ganang kumain ang dating Pangulo bago nalagutan ng huling hininga kaninang 3:18am habang nag-rorosaryo ang kaniyang mga kaanak ng Sorrowful Mystery.

Ilan sa mga nagsalita na sa pagpanaw ni Tita Cory ay sina Mayor Jejomar Binay, Senator Juan Ponce Enrile, PGMA, Butz Aquino at dating Pangulong Joseph Estrada.

Nawa’y ang pagpanaw ni Cory Aquino ay maging simbolo lalo pa ng kalayaan at demokrasya na higit na kailangan ng ating bansa sa mga oras na ito at lalo na sa darating na 2010 Eleksiyon.

Tuloy-tuloy ang mga misa na nasimulan bago pa pumanaw ang dating Pangulo. Ang 40 hour prayer vigil sa EDSA Shrine ay magtatapos ngayong 12:15 ng tanghali at maaaring magpatuloy pa para naman sa pagdasal sa kaluluwa ng namayapa.

Salamat Tita Cory sa inspirasyon na naibigay niyo sa buong bansa. May your soul rest in peace. You are an icon, a role model and a mother! +++

Condolence to the Aquino & Cojuangco Family and to the Filipino Nation!

Enzo Luna / Pinoy Atbp!

Agosto 01, 2009

Posted by: pinoy atbp! | June 28, 2009

KAPITAN SINO

KAPITAN SINO

KAPITAN SINO

Ikaw, SINO KA BA TALAGA? Eto ang katanungang bumalot sa isipan ko pagkatapos kong mabasa sa loob lamang ng dalawang oras ang bagong libro ni BOB ONG. Dahil hindi ako pinatahimik nung isang gabi ng multo ng malayang pag-iisip, at dahil sa natuklasan ko na mayroon na palang bagong libro si MAESTRO, daglian akong naghagilap ng kopya kahapon sa isang lugar ng mga aklatan sa lungsod ng Kalookan. HANEP ang naging estilo ko sa paghahanap ng libro! Bitbit ang tapang ng isang mandirigma, lumusob ako sa gubat ng mga pinaghalo-halong libro at isa-isa kong ginalugad ang mga estante at pilit kong tinutuklas kung mayroong kopya sa lugar na iyun. Hindi ako humingi ng tulong sa mga taong naka-assign sa bawat pasilyo dahil ayokong makarinig sa kanila ng katagang makakapanginig ng aking kalamnan, katulad ng “AY! IYUNG BAGO NI BOB ONG SIR? SORRY PO, PERO OUT OF STOCK NA PO KAMI NUN…” Ang mga katagang iyan eh parang FEAR FACTOR sa aking utak. Paranoid? Maybe…Pero sigurado ako, kung FAN ka ni BOB ONG eh hindi mo kakayaning makarinig ng salitang naubusan ka na naman ng kopya ng libro! Pustahan tayo!

Pero hindi ako kasing galing ni LAPU-LAPU o ni RAJAH SOLIMAN, sumuko na din ako pagkatapos ng may halos limang minutong paikot-ikot at paghaba ng leeg. Pumunta ako sa kahera at malumanay akong nagtanong ng “AHERM! MISS, EXCUSE ME…SAN PO IYUNG MGA BOB ONG NIYO?” “Ay dun po sa may CUSTOMER SERVICE PO NAKA-DISPLAY, TANONG NIYO NA LANG PO…” “Thank you, miss!” Sapul! Nasa Customer Service na pala naka-display kaya pala kahit isang oras o buong araw akong iikot sa lugar na iyun eh hindi ko makikita ang KAPITAN SINO!

AT LAST! I GOT IT NA! WOOHHOOO!!! Iyan ang parang gusto kong ISIGAW habang binabayaran ko ang libro kaya lang nag-aalala lang ako baka mapagkamalan akong adik. Umalis ako sa lugar na iyun an may yabang sa pakiramdam. Taglay ko ang bagong agimat para sa aking makulit na pag-iisip. YABANG MO ENZO! Ang nasabi ko na lang.

Dahil may lakad pa ako kahapon, minabuti kong mag multi-tasking. Habang nag-aabang ako ng taxi eh isa-isa kong binubuklat ang pahina ng bagong libro. Problema lang, kada tingin ko sa isang pahina eh siya namang lumalagpas ang mga walang lamang taxi! Namputsa! Hehehe, hindi na bale, nag-eenjoy naman ako kakabasa eh. Hanggang may pumarang taxi sa harapan ko. “Manong sa may Espana tayo…”

Sa madali’t sabi sa loob ng halos dalawang oras mula sa sinakyan kong taxi at sa pinuntahan kong lugar eh natapos kong basahin ang KAPITAN SINO.

Komedi ang simula ng kwento sa pakikipagtagisan ng ating bida ng talino sa batang tinawag niyang Ging-Ging papunta sa medyo ma-dramang pagpapakilala sa katauhan ni Rogelio A.K.A. KAPITAN SINO, at sa kaniyang mga magulang. Isa-isang pinakailala ang mga tauhan na nilahukan ng “lab interest” na hindi maaaring mawala sa mga ganitong istorya. At siyempre ang pinaka-paksa at kung ano talaga ang istorya ay MALALAMAN MO LANG KAPAG BUMILI KA NA NG SARILI MONG KOPYA! Sensya ka na, ganyan talaga kaming mga FANS ni Bob Ong, kung gusto mong mabasa ang mga gawa niya, BUMILI KA! Tsaka maakusahan pa akong SPOILER, Lagot!

Eto na lang ang masasabi ko, maganda ang istorya ng KAPITAN SINO. Punom-puno ng aksiyon at hitik sa mga nakaka-aliw na eksena na tanging Bob Ong lang ang dating. Ang hindi ko lang malaman ngayong kung sasang-ayunan ako ng mga Bob Ong fanatics, na mas naaantig pa rin ang aking damdamin sa kwento nila Cyrus, Jim, Noel at Voltron, ang pusa at si Mang Justo sa MACARTHUR. Marahil dahil ang kwento nito ay mas malapit sa totoong pangyayari at nangyayari sa ating lipunan, mapa-noon hanggang sa ngayon.

Sa isang banda marami pa rin akong natutunan na leksyon sa KAPITAN SINO. Mukhang nakakatawa at nakakaaliw ang istorya pero sa kabila ng mga iyun ay seryoso at meron pa ring mga katotohanan at aral na mababasa sa KP.

Sa Kapitan Sino ay parang bumalik sa aking alaala ang kwento sa Biblya tungkol sa isang nilalang na tinawag na Messiah. Pinagkatuwaan, ginamit, nagamit, sinamba at nahingan ng maraming tulong ngunit sa kabila ng lahat ay ipinagkanulo at isinakdal upang ma-ipako sa krus ng sambayanan. Ikaw SINO KA BA TALAGA? Isa ka ba sa mga taong magsasakdal sa isang malagim na kahahantungan ng isang nilalang na nagbigay ng kaniyang oras at handang magbuwis para sa sambayanan para lang sa sariling kapakanan?

Ikaw ba ay katulad ng ibang residente ng Gotham City na ang tingin kay BATMAN ay isang bayolenteng superhero? Isa ka bang Jonah Jameson ng Daily Bugle na hate na hate si Spiderman? Ah, ganyan ba talaga ang buhay? May mga handang tumulong at magbuwis ng buhay pero kinatatakutan, ikinakahiya at kinamumuhian ng mga taong kaniyang pinaglalaanan ng buhay.

THERE IS SOMETHING STRANGE IN YOUR NEIGHBORHOOD. Mabuti pa ngang manahimik na lamang. Wala naman talagang mapapala ang isang superhero sa pagtulong. Hindi naman niya yun ikakayaman. “Excuse me! I’m Bruce Wayne!” Tama nga si Mang Ernesto kung ganoon. Ngunit kung isang superhero ka talaga, ‘di naman importante ang pera o karangalan hindi ba? Ang tanging nais mo lamang ay makatulong. Ngunit paano mo haharapin kung ang mga taong nais mong tulungan ay siya ring mga taong maghahatid sa iyo sa malagim na kapahamakan? Ikaw, PAYAG KA BANG MAGING SI KAPITAN SINO?

Pero bakit parang nang-aasar palagi ang tadhana? Kung kailan wala na ang isang tao, saka naman sandamakmak na karangalan ang ibinibigay? Aanhin pa ang damo kung na-itapa na ang kabayo? Para pagkakitaan? Naisip ko lang, kamatayan lang palagi ang magsasalba sa isang tao upang mapagtanto ng karamihan na may nagawa pa rin pala siyang kabutihan noong siya’y nabubuhay pa at hindi lamang puro kabalustugan! Nakakatawang nakakainis ang katotohanan.

Sa mga pumanaw na ngayon at sa mga nakalipas na taon, May You All Rest In Peace!

Para kay Farrah Fawcet. Para kay Heath Ledger. Para kay Ninoy Aquino. Para kay Michael Jackson. Para kay Jose Rizal. Para kay Eddie Guerrero. Para kay Francis M. Para sa lahat ng hindi nabanggit na nakapagbigay ng mahalagang kontribusyon, in anyway around their family, friends and community.

Salamat Bob sa muli mong pag-pitik sa aming kamalayan! Mabuhay! (hehehe, bakit kaya lage etong isinisigaw? Wala naman sigurong gustong mamatay ah? hehehe uli!)

- Pinoy Atbp!

*also posted at http://www.facebook.com/note.php?created&&suggest&note_id=221271890170#/note.php?note_id=221271890170&ref=nf

Posted by: pinoy atbp! | June 26, 2009

Rest In Peace Idol!

King of Pop!

King of Pop!

Isa na namang nilalang ang nag-another one bites the dust! Hindi lamang siya ordinaryong tao, larger than life ika nga si Michael Jackson. Sa edad na labing-isa, napasama si MJ sa grupo ng mga kapatid niya na naghatid ng worldwide sensation, ang Jackson 5, hanggang sa tuluyan ng nag-solo noong 1971.

Binansagang “King of Pop”, lalong uminit ang pagtanggap sa kanya ng lumabas ang “Thriller” album – na dumaig at kumopo ng mga No. 1 chartbuster sa buong mundo!

Nagpasimula din si Michael ng mga music videos na mala-pelikula ang dating at tuluyang ginaya ng iba pang musikero. Pati sa kaniyang pag-sayaw, pinangunahan din niya ang mga bagong steps, tulad ng “moonwalk” na tatak Michael Jackson talaga!

Sumikat, nag-asawa, kinasuhan, nagpa-bago ng itsura – tanda ko pa noon, malaking issue na sa America ang pag-inom niya ng EVIAN Mineral water. Bakit? Dahil sa panahon na yun eh masyadong expensive ang mineral water at mayayamang tao lang ang kayang bumili.

Bago namatay si Wacko – taguri sa kaniya dahil sa mga kung ano-anong ka-weirduhang ginawa niya nuong siya ay nabubuhay pa, naka pag-collaborate pa siya sa mga iba’t-ibang music artists ng makabagong henerasyon at naghahanda para sa kaniyang comeback tour.

Sa edad na singkwenta, pumanaw si Michael sa isang misteryosong sanhi ng pagkamatay.

Noong una, parang ‘di ko pa matanggap na patay na nga si Idol. Akala ko nagbibiro lang ang Yahoo! Pero dahil sa dami ng nakikiramay sa kaniyang pag-panaw, natanggap ko na din na patay na talaga si Michael Jackson.

At milyon-milyong fans ang nagdadalamhati ngayon sa buong mundo.

Sana, wag mo kaming multuhin habang sumasayaw ka ng “Thriller” at ‘wag kang maging “BAD” kung saan ka man naroon ngayon.

May you rest in peace, MJ!

UPDATES!!!

But wait! After the much clamor, intrigues and funeral of Michael Jackson’s death, now comes this article I came across here in WordPress. Read MICHAEL JACKSON ALIVE!

Reminder! NOT for the faint of heart!

Wooh!

Posted by: pinoy atbp! | March 13, 2009

Enzo Jeans: Viktoria Red Canvass P1,699.00

Viktoria Red Canvass P1,699.00

Viktoria Red Canvass P1,699.00

For More of Enzo Jeans please go to: http://www.enzolunajeans.multiply.com

Posted by: pinoy atbp! | March 13, 2009

RAKISTA! PROJECT SHOOT!

RAKISTA! PROJECT SHOOT

RAKISTA! PROJECT SHOOT

RAKISTA!

5 FINALISTS!

1 ULTIMATE RAKISTA!

MARCH 29, 2009 9AM SUNDAY

SAZI’S BAR, ESPAÑA, MANILA

REGISTRATION: P500.00

GCASH: 28829154016855 – REGISTER NOW!

INCLUDES:

HIGH RES FILES OF ALL THE SHOTS IN CD

2 PCS 8R COPIES OF BEST SHOTS

PHOTOGRAPHERS:

CELWYN ABASOLO http://celwynabasolo.multiply.com/

&

KIM CADIZ (NPC) http://kimcadz.multiply.com/

HAIR & MAKE-UP BY:

LHEA ROUS http://alluringleah.multiply.com/

&

LHENVIL PANEDA http://newteinuz.multiply.com/

DESIGNER TOPS TO BE PROVIDED

5 FINALISTS TO BE CHOSEN & BE PART OF THE UP-COMING ENZO JEANS LAUNCH

50% DISCOUNT ON JEANS PURCHASE

THE CONCEPT:

FIRST SEGMENT: MODELS WILL BE DIVIDED INTO 4 – 5 MEMBERS PER GROUP. EARLY REGISTRANTS WILL BECOME PART OF THE FIRST GROUP.
MODEL WILL DO ROTATIONS AS VOCALIST, GUITARIST (LEAD AND RHYTHM), DRUMMER & BASS PLAYER.

SECOND SEGMENT: SOLO SHOTS (HEAD SHOTS & WHOLE BODY)

FOR REGISTRATION DETAIL VISIT THE LINK:  http://enzolunajeans.multiply.com/photos/album/60/RAKISTA_DETAILS

FULL NAME
JEANS SIZES
MOBILE NO.

Older Posts »

Categories