Posted by: pinoy atbp! | July 7, 2007

Abadia itinangging kasama sa FrancSwiss

gen. abadiaItinanggi ni dating Armed Forces chief retired Gen. Lisandro Abadia na konektado siya sa kumpanyang FrancSwiss na isa umanong pyramiding scam.

Hindi ikinakaila ni Abadia na nag-iinvest siya sa networking. Wala naman daw masama dito, lalo na kung legal ang kumpanya.

Pero pinabulaanan ng dating heneral ang kumakalat na ulat na may koneksyon siya sa inirereklamong Internet-based investment company.

Depensa ni Abadia ginagamit lang ang pangalan niya para makapag-recruit ng investor ang FrancSwiss.

“As a marketing strategy, they say that this member of the media is involved here, General Abadia is involved here. Natatawa lang ako because I’m not really involved. As a matter of fact, I’ve been advising people not to get involved in this,” ani Abadia.

Nakatanggap naman ng dagok ang una sanang kaso sa korte laban sa FrancSwiss pyramiding scam.

Ito ay matapos pakawalan ang limang recruiter na nahuli sa entrapment operation noong Huwebes dahil inatras ang kaso ng dalawa sa kanilang complainant.

Payo ng mga otoridad sa publiko, huwag agad magtiwala sa investment company kapag malaki ang interes na ino-offer dahil malamang iligal ito. Siguraduhin rin daw na may produkto o serbisyo talagang binibili kapalit ng iyong pera.

“Lalo iyong involving malaking amount, i-verify sa Securities and Exchange Commission kung existing ba iyong kumpanya,” ani Chief Inspector Lino Banaag, chief ng Quezon City Police District Homicide Section.

At kapag nabiktima na, magsusumbong kaagad sa otoridad para makasuhan ang mga nasa likod ng pyramiding scam na ito.


Leave a response

Your response:

Categories