Posted by: pinoy atbp! | July 27, 2007

Ehra, The New Tanduay 2008 Girl!

Ehra, sariwang-sariwa!


KAHAPON ay pumirma na ng kontrata si Ehra Madrigal bilang 2008 Calendar Girl ng Tanduay. Kasama siyempre ni Ehra ang manager niyang si Annabelle Rama sa pagpirma ng kontrata sa Tanduay.Well, masuwerte nga si Ehra dahil heto at patuloy na ring pumi-pick up ang kanyang career. Aba, sino nga ba ang makapagsasabi na mararating ni Ehra ang ganito, ha!

Eh, nu`ng ipakilala nga si Ehra sa entertainment press noon, parang hindi ito sisikat, dahil mukhang mahiyain, at hindi masyadong palaayos sa sarili.

Pero, dahil sa pagsusumikap ni Annabelle na matulungan si Ehra, at binantayan talaga niya ang kilos at itsura nito, heto at bongga na nga siya.

Aba, ang seksi ni Ehra sa sukat niyang 36-25-36, ha! At mukhang sariwang-sariwa talaga, na hindi tulad ng ibang batang nagpapaseksi ngayon, na bata pa nga, mukhang laspag na laspag na agad.

Well, taun-taon nga ay inaabangan ang calendar ng Tanduay. At ngayong si Ehra na nga ito, makakahilera na niya sa liga sina Katrina Halili, Assunta de Rossi, Ara Mina, at marami pang iba na sikat na ring artista ngayon.

Sige nga, tingnan natin kung gaano kaseksi si Ehra sa gagawin niyang pictorial.

Ehra, pinalitan si Katrina sa Tanduay

Pumirma ng kontrata si Ehra Madrigal kahapon bilang bagong endorser ng Tanduay.

Para sa 2008 calendars ng Tanduay ang kontratang pinirmahan ni Ehra.

Bukod sa calendars at billboards, may radio, TV and print campaigns ding gagawin si Ehra para sa Tanduay.

Happy si Ehra at siya ang napili ng Tanduay na maging endorser para sa taong 2008.

Happy rin daw ang Tanduay, ayon kay Mr. Larry Li, advertising manager ng nabanggit na produkto, sa pagkakakuha nila kay Ehra.

‘Yun daw ang dahilan kaya kahapon ay in-announce na nila sa media ang pagpirma sa kanila ni Ehra.

Next week nakatakdang mag-pictorial si Ehra para sa Tanduay calendars.

Si Katrina Halili ang papalitan ni Ehra bilang endorser ng Tanduay.

 


Responses

  1. hi ehra i!m the one who watch ur tv show in gma

  2. pano po ba makakakuha ng calendar niyo po?

  3. Yes, How can we get Tanduay Calendars??


Leave a response

Your response:

Categories