Huling araw ng Hulyo ngayon at walong araw mula ngayon ay ang unang ika-isang buwan ng Pinoy Atbp! sa Internet. Hooraayyy!!! Sa kasalukuyan humigit kumulang nasa 4,268 hits na ang bumisita sa PA!
Ano ang Pinoy Atbp!? May pagkakaiba ba ito o pagkakapareho sa mga naglalabasang Filipino Blogs ngayon? Sino ba ang “author” sa likod ng PA!? Tungkol ba saan ang PA!? At bakit ngayon ay sa salitang lokal na ang ginagamit? Ha? Bakit nga ba?
Ang Pinoy Atbp! ay hindi naman orihinal na konsepto, dahil sa kasalukuyan, marami na ang gumagawa ng kahalintulad na Blog na ganito. Mamasyal ka lang sa Internet. Katulad ng ibang webmaster, admin o author ng sariling Web site, ang pangunahing kagustuhan namin ay maisalarawan ang kung ano man ang nakikita sa paligid. Maipakita ang iba’t-ibang kultura. Maisalarawan ang mga pangyayari sa loob at labas ng mundo ng Internet. Sa kaso ng PA!, eto ay sumasalamin sa mga gawi, kilos, kultura, mga uso, mga kaganapan (importante man o hindi), mga tao, showbiz (Oo, pati yan, kunwari ka pa, eh jologs ka din katulad ko, hehehe…), politiko (Oh, sabi na jologs ka talaga eh), mga pagkain, mga lugar, beer, kanta, lab-layp (‘yang huling tatlong nabanggit pag pinagsama-sama, hang-over!), disco, rock, raggae, new wave, dengue, kakulangan sa supply ng tubig, pagtaas ng taya sa lotto, at kung anik-anik pa na maaring makita sa bansang sinilangan ng higit sa sandaang mga bayani at pinamumugaran ng mga politikong mahilig mag-papogi sa harap ng kamera at sa buong sambayanang hanggang ngayon ay hindi pa alam kung mababayaran ang tig-P40,000 na utang (kahit hindi pa isinisilang) ng bawat isa dahil sa pag-lobo ng populasyong umaabot na sa 90 milyon ng bansang Pilipinas.
Mali po. Hindi po maka-oposisyon at hindi rin po maka-administrasyon ang Pinoy Atbp! Taga-kwento lang ang PA! ng mga, ayun nga sinabi ko na kanina, ng mga kaganapan sa loob at labas ng bansa. Basta kung saan apektado si Juan.
Kung sweswertehin ka, makikilala mo ang author ng PA! Mag-ikot-ikot ka lang ulit sa Internet at baka mahagilap mo ang photo ng author. Oo, dyan lang, malapit na dyan sa tabi mo!
Napag-pasyahan kong gamitin ang sariling wikang Filipino, dahil sa utos ni Bob. Jokes! Oo na, gaya-gaya na ako! Oo na, masyado nang gasgas ang pangalan ni Bob Ong dito! Oo na, wala lang talaga ako magawa! Pero bukod dun, gusto lang ng PA! na makapag-bahagi ng mga kahit kaunting kaalaman (kahit kwentong barbero) para sa mga kapwa natin Pinoy na nasa ibang bansa ngayon na nangungulila sa mga walang kakwenta-kwentang balita galing sa Pinoy Atbp! Para rin po ito sa mga kababayan natin na nasa Pilipinas na walang inatupag kundi mag site-hopping, mag-pakyut sa Friendster at MySpace, maglabas ng mga sama ng loob sa mga personal blogs, sa mga empleyado, sa mga ayaw maging empleyado, sa mga networkers, sa mga bossing, sa mga estudyante, sa mga fans ni Jum-Ong, at sa mga mahilig kumain ng tinapa na may kasamang suka’t bagoong with matching kamatis on the side plus sinangag! Oh, isang round pa!
Sa pagsapit ng unang ika-isang buwan ng PA! sa mundo ng Internet, hayaan niyo ako, si Enzo ang inyong taga-paglingkod, na magpa-salamat sa lahat ng mga bumibisita sa site na eto, kahit yung iba ay di naman talaga sinadyang bumisita at natapilok lang at pag-mulat ng mga mata nila eh, eto kaagad ang unang Web site na nakita nila.
<Saglit na natigil ang pag-type ko dahil sa ubo! *UBO! UBO! – May SINOK pa!>
Maraming salamat…eherm (andyan pa rin ang sinok at ubo!)…Maraming salamat din sa mga mapapadaan sa Pinoy Atbp! site. Sa mga commentators, subscribers, e-mailers, kay hunny, kay peach, koocheemoocheemochi, sa nagtitinda ng barbeque sa may kanto, sa mag-tataho na naglalako pa rin kahit tanghaling tapat na, thank you!
Asahan niyo na magiging mas makabuluhan pa ang mababasa niyo dito sa Pinoy Atbp!
From Pinoy Atbp!
What’s Up?
Now Showing: “Catch The Dengue Fever Outbreak Where Mosquitoes Are Available!” & “Hayok Sa Bocha!”
Coming Soon: “Juan Pinoy and the Deathly Dry-Spell!” & “Itaya Mo Na P20 Mo, Pati Pang-Kain Mo! – Lotto”
Featured Presentation: “Where Is My Jonas?” and “AFP & PNP: Hulihin Ang Mamumugot!”
















