Posted by: pinoy atbp! | August 2, 2007

Sana Nga

Sana nga, maresolba na ang problema sa Basilan at mabigyan na ng hustisya ang pagkakapatay at pamumugot sa labing-apat na Marines na tumulong sa paghahanap sa noo’y nawawalang si Father Bossi.

Sana nga, huwag ng pakialaman ninuman kung nagbigay ng tulong pinansyal sa mga naiwanang pamilya ng mga napatay na sundalo ang dating Pangulong Estrada. Mabuti pa ang ibang tao nakagawa agad ng aksyon.

Sana nga, laban-laban na at ‘wag ng bumawi pa ang desisyon ng Malakanyang sa paghuli sa mga may kinalaman sa pag-pugot ng mga kawawang sundalo.

Sana nga, matapos na ang hog cholera at mahuli ang mga lokong patuloy na nagbebenta ng mga “botcha” na kung hindi nahuhuli agad ay malamang nakabili ka na naman nito sa paborito mong suki dyan sa may Balintawak.

Sana nga, ‘wag namang lagyan ng “formalin” ang mga isdang bilasa, tinapa, at iba pang lamang-dagat ni ibenebenta sa palengke upang maubos lang ang mga paninda ng mga sira-ulong tindera’t tinderong naglalagay sa panganib sa kalusugan ng kanilang mga suki.

Sana nga, mag-patuloy sa mga palengke ang “timbangan ng bayan” upang makasiguro ang mamimili na tama ang timbang ng kanilang mga nabili.

Sana nga, umulan na ng pagkalakas-lakas, upang hindi tuluyang matuyo ang patubigan natin sa Angat at ng hindi tayo maubusan ng supply ng tubig pantanggal ng mga libag sa kili-kili, leeg at singit-singit.

Sana nga, matigil na ang illegal logging para kung umulan man ay safe pa rin tayo sa baha.

Sana nga, ‘wag namang pasaway ang MWSS at may plano pa atang dagdagan ang singil sa tubig sa gitna ng krisis ng nararanasang tag-tuyot.

Sana nga, mapuksa natin ang dengue at meninggococcimia (ang hirap naman espellingin eto!) na kumakalat ngayon sa QC at Cavite.

Sana nga, magtino sana ang ating mga senador at mambabatas at huwag ang mga ginastos nila nung nakaraang eleksyon at makabawi kung magkano man yun, ang isipin nila. Unahin muna nila ang mga plata-pormang binitiwan nila nung sila ay nangangampanya pa lamang.

Sana nga, tama ang desisyon ni Angel Locsin sa ginawa nila ng kanyang manager na pag-ober da bakod sa Dos mula sa Siyete.

Sana nga, at marami pang sana ang maipatupad sa bansa natin ngayon. Lumolobo ng ang populasyon ng Pilipinas. Bumabalik na naman ang mabibigat na daloy ng trapiko. Patunay na dumadami ang mga bagong sasakyang pumapasok sa bansa natin. Naghihirap nga ba tayo? Marami ang naloloko sa mga high-yeild, high-risk investment scams. Nawawala pa rin si Jonas. Dumadami pa rin ang mga sisiw na kinukulayan at binebenta sa harapan ng mga eskwelahan. Nag-bida na nga sa tv via Anghelita yung isang ka-tropa nila eh. Kulang pa rin ang baon  ni Junior. Exam na naman. May asim pa rin daw si Madame Auring. May pusang naglalampungan sa labas ng bahay. Kinalmot yung isang pusa! Isa pa! Tumakbo yung isa! Hinabol! May dumaang tricycle. Ngyaaawwwrrrrkkkk!!!!…Nagbabasa ka pa rin kahit alam mong wala ng kwenta ang pinagsasabi ko. Kumunot na ang noo mo. Bumubulong-bulong ka pa. Maghahanap ka na lang ng ibang matinong Weblog, sabi mo. Pero magdadalawang-isip ka dahil may napupulot ka rin namang kaalaman kahit papaano sa pagbabasa mo. Nasabi mo na lang, “…tado to ah!”

Polusyon…Pati sa utak may polusyon…Alam mo bang sa pagsakay mo ng bus (yung walang aircon ha!) simula galing ka sa Monumento at bumiyahe ka hanggang Baclaran, daig mo pa ang umubos ng dalawang kahang yosi sa maghapon sa mga nasinghot mong usok na galing sa mga rumaratsada at walang pakialam (minsan…uhm, madalas pala…) na mga bus sa EDSA. Imaginin dat! Ilang segundo ba ng buhay mo ang nawawala kada hit-hit mo ng sigarilyo? Mabuti na lang ako, pag umu-upo lang sa trono ako humihit-hit buga. May pinagka-iba ba yun? Wala. Mas malala pa nga yung tinatawag na second-hand smoke eh. Uy! Second hand?! Pati ba sa paninigarilyo may bargain din!!?? Oo, parang installment nga yan eh. Dinedelay mo yung pag-kamatay mo ng unti-unti. Meron din naman, isang dakilang makata na nagsabi na, “Smokers don’t grow old, because they die young!”

Yun na!


Leave a response

Your response:

Categories