<gentle>: to make or become mild, docile, soft, or moderate.
<isolation>: to be alone, separation from others.
Ibig sabihin, isang uri ng estado kung saan ang isang tao o bagay ay nag-iisa sa maayos na pamamaraan. Hindi maingay at hindi rin bayolente.
Tamang-tama lang ang deskripsyon sa pangalan ng nakilala kong banda kamakailan lamang. Swabe! Hindi maingay. Hindi rin agresibo. Tama lang sa pandinig.
Eh bakit nga ba hindi, ang bandang Gentle Isolation, tubong Meycauayan, Bulacan, ay isang maipagmamalaki at may ibubuga rin naman sa larangan ng industriya ng musika.
New Wave ang kanilang tugtugan. Napahanga nila ako sa kanilang tugtugan. Hindi ko lubos maisip na mayroon pa palang nakatagong talento ang bayan ng Meycauayan pag-dating sa new wave scene.
Maayos ang kanilang grupo na kinabibilangan ng dalawang babae at tatlong lalake. Lahat ata sa kanila ay kumakanta rin bukod pa sa may kaniya-kaniya ding hawak na instrumento ang iba.
Echo Belly, The Care, The Church, The Mighty Lemon Drops at marami pang iba ang binabatan ng banda. Nakaka-gulat din ang boses ng bokalistang babae, na para bang inililipad ka sa malamig na alapaap habang pinakikinggan siya. Isa sa bokalistang lalake naman ang nagbibigay boses ng mga kantang pinasikat ni Morrissey, The Smiths at ng Echo & The Bunnymen.
Sa maliit na kwarto na punong-puno ng mga instrumento, dito ko sila nakita. Mahusay sila at pwedeng-pwede na silang sumabak sa mga sikat na music bars & clubs.
Sa kasalukuyan, regular na nagpapraktis ang banda upang mapahusay pa ang kanilang tunog at hindi lilipas ang panahon, maaaring may maipagmalaki na naman ang bayan ng Meycauayan sa larangan ng musika.
Marami pala talaga ang may talento. Nakatago nga lang ang iba. Nakatago sa isang gentle isolation.

















tsong marami pang banda na kauri nila hanapin mo o i-google yung filipino indie pop scene sa ilalim nyan maririnig mo yung mga pinoy na banda na Carnival Park. Sodajerk. The Haircuts. The Fantasy Lights. Girl At The Bus Stop. So What?. Sunday Picnic Love Affair. Balloon Derby. TV Guide. Wadaiko. Apple Orchard. Spring Boutique. Under Shooting Stars. Soft Pillow Kisses. Sadstar. Candyaudioline. Populardays. Archaster. Farewell Isobel. Love In Athens. Slumbook. Kid Auto Races At Venice. A Painted September. Envelope And Seabirds. Happy Showers. Citrusphere. Virginia Aeroplane. In Between Blue And Green. Mono Workshop. The Camerawalls. Outerhope. Blue Stereo. The It Boy. Ciao. Tetsumi Atom. Ear Candy. Sarah Sitting. Her Handwriting. Supergloo. Leslie’s Biscuits. Amy Racecar. Eulluvye. Utterly. Smile Plenty. Plaster Caster. Uranus. Aspirin. Go Figure. Shiver Fest. Fingernail Cocktail. Theresa’s Hi-Fi. Choking Brownies. Down Boy Down. Aurora Borealis. Lazy Lorelei. Some Gorgeous Accident. Avalyn. Melody Wrench. The Slave Drum. Fairydust. On Petals. Superminty. My Science Project. Through The Lens. Blinded By Love. Skies Of Ember. The Cake Shop Collection. Eliminator Jr. Wentletraps. Melody Style Apartment. Dewdrop Fountain. Camera Shy. Grace Period. Arigato Hato!. Radiomanila. National Express. That Lingering Feeling. Adorable Adorations. Set Ashore. Aurora’s Beating Heart. Nocturnal We. Lovely Days And Loud Hurrays. Scattered Pearls. Golden Teardrops. The Jealous Sea. Goodbye Dakota. Phantom Sizemore. Self-Portrait. Slow Hello. The Gentle Isolation. Dress. Your Imaginary Friends…
eto na lang para hindi ka mahirapan! http://www.myspace.com/filipinoindiepopscene
By: the truth is out there on September 21, 2009
at 6:30 am