Ipinanganak bilang Benigno “Ninoy” Simeon Aquino, Jr noong Nobyembre 27, 1932. Isa sa mga magiting na Senador (1967-1972) at kilalang oposisyon noong panahon ni Pangulong Ferdinand E. Marcos.
Sa bayan ng Concepcion, Tarlac ipinanganak at lumaki si Ninoy sa angkan ng mga hasyendero. Nakapag-aral sa St. Joseph’s College at De La Salle College. Natapos ang hayskul sa San Beda College. Kumuha ng kursong Liberal Arts sa Ateneo de Manila, subalit hindi niya eto natapos. Sa edad na 17, naging pinaka-batang korespondante ng The Manila Times, na pagmamay-ari ni Joaquin “Chino” Roces. Kumuha ng kursong Abogasya sa U.P., kung saan naging miyembro siya ng Upsilon Sigma Phi. Taong 1954, inatasan siya ni Pangulong Ramon Magsaysay upang maging emisaryo kay Luis Taruc, pinuno ng Hukbalahap. Napasuko niya si Taruc matapos ang apat na buwang negosasyon. Naging pinunong-bayan ng Concepcion si Ninoy taong 1955, sa edad na 22. Sa taong din yun, nakipag-isang dibdib si Ninoy kay Corazon “Cory” Cojuangco at nabiyayaan sila ng limang anak.
Nagsimula ang sigalot sa pagitan ni Ninoy at ni Marcos noong taong 1971. Agosto 21, labindalawang-taon bago sumapit ang kaniyang asasinasyon, sa tinaguriang Plaza Miranda Bombing. Lumabas sa mga espekulasyon na ang Partido Nacionalistas ni Marcos ang may pakana laban sa Partido Liberal na kinabibilangan ni Ninoy. Eto ay itinanggi ng Pangulo at iniharap sa publiko ang ebidensiyang kagagawan ito ng New People’s Army. At dito na nagsimula ang Martial Law!
Septyembre 21, 1972, idineklara ni Pangulong Marcos ang Martial Law sa buong bansa. Una ng inaresto at dinakip si Aquino sa salang pagpatay, ilegal na posesyon ng mga armas, at subersibong pag-labag sa gobyerno.
Marami pang nangyari sa buhay ni Ninoy pagkatapos ng tagpong iyun. Nag-bitaw siya ng hunger strike sa sarili noong 1975. Nakilahok naman si Aquino sa Pambansang Eleksiyon noong taong 1978. Dito niya itinatag ang Partido Lakas ng Bayan kung saan ang kanilang naging sigaw ay “LABAN!” Taong 1980 naman ay sumailalim si Ninoy sa isang bypass, matapos atakehin sa puso noong buwan ng Marso. Sumailalim siya sa opersasyon at pagsusuring medikal sa Amerika at doon na nagsimula ang kaniyang self-exile.
Matapos ang tatlong-taong pananatili sa Estados Unidos, nagpasya si Ninoy na bumalik na ng Pilipinas. Alam niya ang naka-ambang panganib na kakaharapin ngunit nagpatuloy pa rin siya sa kaniyang desisyon.
The Filipino Is Worth Dying For.
Sa kaniyang pagbabalik, sinabi ni Ninoy sa mga mamahayag na kasama niya sa eroplano, ”have to be ready with your camera because events will happen very fast…in a matter of 3 or 4 minutes it could be all over…and I may not be able to talk to you again after this…” Ang huli niyang pormal na pahayag, “I have returned to join the ranks of those struggling to restore our rights and freedom through nonviolence. I seek no confrontation.”
Agosto 21, 1983, binaril si Ninoy sa Tarmac ng Manila International Airport. Isang tama sa ulo ang naging sanhi ng kaniyang agarang pagkamatay.
Marami ang nangyari pagkatapos ng asasinasyon. Naging presidente ng Pilipinas ang kaniyang may-bahay. Napatalsik sa panunungkulan ang mga Marcoses. Ngunit hanggang ngayon, wala pa rin umaamin kung sino ba talaga ang nag-utos ng pag-patay kay Ninoy. Hanggang ngayon, nakapangalumbaba pa rin sa 500 pisong papel ang tinaguriang bayani ng mga martir.
Ngayon ang ika-24 na komemorasyong anibersaryo ng pagkamatay ni Ninoy. Bilang pag-gunita, [REPUBLIC ACT NO. 9492] ang Lunes na malapit sa Agosto 21 ay idineklara (SECTION 1. Section 26, Chapter 7, Book I of Executive Order No. 292, otherwise known as the Administrative Code of 1987) bilang special holiday (Ninoy Aquino Day) ng Senado at ng House of Representatives ng Pilipinas sa Kongreso, inayos at inaprubahan noong Hulyo 25, 2007 ni Gloria Macapagal-Arroyo, Presidente ng Pilipinas.
*Wikipedia para sa karagdagang kaalaman at impormasyon sa buhay ni Benigno Aquino, Jr.


















_thank you very much,,you helped me to complet my preparation..thank you very much,,and the life of mr. aquino,,inspire me a lot!!even though i translate it to english..heheh!!therefore,you helped me a lot!! thank you very much..
By: marbie on August 20, 2008
at 12:43 pm
I AM NINOY is a celebration of hope and idealism, a freedom movement, a community of heroes —- heroes who give out of sheer selflessness and serve the country the best way they can.
http://www.iamninoy.com
http://www.teammanila.com/iamninoy/
http://www.analog-soul.com/yoninoy/
http://guides.clickthecity.com/hot-off-the-press/?p=3548
By: iamninoy on August 23, 2008
at 6:06 pm
salamat din sa inyong walang sawang pagsubaybay sa ating mga naisusulat dito
thanks marbie
By: pinoy atbp! on August 25, 2008
at 6:14 am
sana hindi kayo maging masama kay NINOY .
By: jeremy melquiades on August 26, 2008
at 12:48 pm
ask lang poh,,,,,,,,,,,,,,,
bakit tinagurian si ninoy aquino na bagong bayani????
By: emill on August 30, 2008
at 8:53 pm
paki sagut naman poh…………………….
By: emill on August 30, 2008
at 8:54 pm
I just want to ask f kumusta na po ung case regarding sa pagkamatay ni ninoy?how true it is na pinapatay siya ni marcos?
By: Althea on October 2, 2008
at 1:37 am
thank u very much,,kung d ko 2 nkita,,wla aqong project,,,thank you
By: maylene vallejo on February 20, 2009
at 2:22 am
ur welcome! thanks also maylene
By: pinoy atbp! on February 22, 2009
at 4:47 am
Today is the last day of former President Corazon C. Aquino as she is being lead to her final resting place in Manila Memorial.
As of this writing, the funeral cortege is now on its way and is already in Buendia area going to SLEX.
Reminder:
Pls refrain from posting malicious and offending message. let’s respect our hero, Ninoy Aquino.
Offenders will be classified as SPAM and will be block on this site.
By: pinoy atbp! on August 5, 2009
at 6:51 am
let’s continue to inspire one another through the lessons we learned from ninoy. we should be proud to be a filipino because of the living examples of ninoy and now of tita cory. hats off to both the aquino’s for a life worth living and for filipinos worth dying for.
on august 13, our grade school pupils will be having a symposium about ninoy aquino. it is our hope that they too will live a life like ninoy. may he be the model for our pupils.
By: emmy c. del rosario on August 7, 2009
at 6:27 am
thank you po sa lahat lahat saginawa
mo maraming salamat po
By: Rommel b Mabeza on August 20, 2009
at 5:48 am
thank’z ninoy”"!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
By: hen on August 24, 2009
at 9:25 am