Posted by: pinoy atbp! | September 2, 2007

Wow Tagaytay!

Tagaytay

villa barretto

Hindi kadalasan ang ang aking pagpasyal sa labas ng ka-Maynilaan. Ang huli ko ngang napuntahang mga bayan ay ang Baguio at Bicol. Eto ay bahagi at kasama sa aking mga ginagawang negosyo. Noong Agosto 31, umakyat ang aking grupo sa Tagaytay, para sa isang “business trip” na may kasama na ring pamamasyal at pahinga sa magulong andar ng buhay sa Maynila.

Nakaalis kami ng Ortigas bandang alas-otso na ng gabi. Nag-hintayan pa kasi kami ng ibang kasama. Halos magkakasunod kami dala ang tatlong sasakyan. Nilakbay namin ang daan patungong Ka-Timogan. Tinahak namin ang kahabaan ng South Luzon Expressway na ginagawa pala ngayon at pinapalaki. Maaaring ihahalintulad ito sa NLEX. Mag-handa na tayo sa pagtaas ng toll fee nyan! Medyo naging mabagal ang pagtakbo mula Alabang hanggang Carmona ngunit naging maganda naman ang biyahe dahil kami ay excited ng makarating sa lugar na aming pupuntahan.

Pasado alas-diyes ng gabi, malamig nga sa Tagaytay, narating namin ang Villa Barretto. Isang pahingahan na pagmamay-ari ng sikat na pamilyang Barretto ng industriya ng pelikula. Maganda ang pagkaka-disenyo ng mga paupahang tuluyan. Para kang nasa tinceltown o yun bang nakikita mo sa pelikula kapag Pasko. Kulang na nga lang ay snow! Maayos ang lugar at ang mga taong nag-asikaso sa amin, si Manong Guard at si Bryan -na salamat naman at hindi nakulitan sa mga rekwest namin mula sa kutson, lamesa, ekstrang upuan at abre-lata, hehehe…

Humigit kumulang sa sampu kaming lahat. nagsimula ng magpaningas ng uling upang maihanda ang mga lulutuin at pulutan. Bumili kami ng isang kahong San Mig Light sa isang convenience store na nadaanan namin papunta sa Villa Barretto.

Inumpisahan namin ang pag-bukas ng unang mga bote ng San Mig habang may nag-iihaw ng longganisa at inihaw na liempo. Hindi pa kami nag-iinit ay bigla namang nang-asar ang panahon! Biglang bumuhos ang panaka-nakang ulan! Hmp! Kj naman! Hindi kami nawalan ng lakas ng loob, kahit umuulan na, tuloy pa rin ang pagpaypay sa inihaw! Nagpasya na manghiram ng lona kay Bryan. May isa pang problema, wala palang taling pagkakabitan! Nag-aya sila Limuel at Jayson na maghanap ng mabibilhan ng tali sa mga bukas pang tindahan. Paglipas ng tatlumpong-minuto at pagtila ng ulan, nakabalik na ang dalawa bitbit ang isang sakong uling na hinabol naming ipabili, ngunit walang nabiling tali. Mabuti na lang at ambon na lang at tumigil na ang ulan. Pero pagkaraan ng ilang minuto, heto na naman si ulan! May isa pang solusyon, may tent daw sa Villa! Sinubukan naming hiramin at buhatin ngunit sa kadahilanang eto ay mabigat na, naka-lubog pa pala ang mga poste nito sa lupang kinatatayuan nito. Haaayyyy! Walang kaming masisilungan kapag lumakas ang ulan! Dasal at taga sa lupa! Ayun! Tumigil na rin ang pag-ulan at nagpatuloy na kami sa diskusyon, kwentuhan at pag-inom ng beer.

Sa gitna ng pag-lagok ng beer ay ang mga usaping pang-negosyo ang aming usapan. Ang nalalapit na pagsapit ng ka-Paskuhan na ibig sabihin ay magiging maganda ang aming mga Pasko ngayon! Alam namin na “sasabog” ang mga negosyo namin ;) !

Inabot kami ng hanggang alas-kuwatro ng madaling araw, unang araw ng Septyembre sa labas ng tinutuluyan namin, para kaming nag-piknik! Isa-isa na kaming naghanap ng tulong sa pag-tulog. Medyo napagod kami sa pag-biyahe at ang haba ng oras ng aming kwentuhan at inuman ay nangangailangan na ng pahinga. Iyung iba ay nahiga na sa malambot na kutson, kami naman ni Leo ay sa sasakyan niya natulog. Nakaka-miss ang matulog sa sariling auto! Haaayyy!!!!

Sarap matulog!!!! Nnngggooorrkkkk!!!!!! Zzzzzzzzzzz!!!!!!

Alas-diyes ng umaga simulang nagsibangon na parang mga zombie ang lahat. May nauna na palang nagising upang mag-luto ng kakainin namin. Kape, kailangan namin ng kape! Nanghingi kami ng kape kay Manang ( ’sensya na nakalimutan kong tanungin ang pangalan mo, ‘di ka tuloy makikilala dito, hehehe…). Siya ay isa sa katiwala sa lugar.

Sarap ng kape! Mainit. Humahagod! Tamang-tama sa panahon at klima sa Tagaytay!

Naluto na rin ang Bulalo at inihaw na liempo! Wow! Sarap! Mmmm!!!! Nakakatakam ang bulalo pati ang utak nito! Ngunit gustuhin ko mang tumikim ng utak ay umayaw na ako. Hang-over + Puyat + Utak ng Bulalo = Kayo na bahalang gumawa ng equivalent!

Ang sarap ng sabaw! Ipag-sama mo pa sa inihaw na liempo! Katakam-takam talaga!

Nabusog ang lahat! Kung pwede lang na ganito araw-araw. Masarap talag kapag nag-eenjoy ang lahat at marami kayong nagsasalo sa hapag-kainan!

Pasado ala-una, umalis na kami sa Villa. Pumunta naman kami sa Gestra Heights. Isang subdivision na magaganda rin ang mga disensyo ng bahay. Marami pa ang bakanteng bahay at lupa dito. Umaabot sa P1M hanggang P2M ang presyo ng mga bahay na tinignan namin. Mura na sa lugar na eto. Maaaring mas mataas pa ang presyo ng mga bahay na nasa bukana ng gate ng subdivision.

Pagkalipas ng ilang minuto, nagpasya na kaming bumalik ng Maynila. Mayroon pa kaming trabaho. May business appointment pa kami ng alas-tres ng hapon. Kailangan ng lisanin ang Tagaytay. Ang malamig na Tagaytay. Ang tahimik na Tagaytay.

Balik-Maynila na ulit. Kailangan. Ngunit sa mga susunod na pag-balik sa Tagaytay, siguradong mas mahabang oras ang ilalagi na namin dun. Nabitin man kami ngayon, sa susunod ay hindi na. Dahil sa susunod, mayroon na kaming mahabang oras upang ma-enjoy ang aming kinikita!


Responses

  1. Hi! i happened to bump in your blog while searching for villa barretto. I just want to know if it would be easy for us to find the place without bringing a car. Is it far?


Leave a response

Your response:

Categories