1:23 A.M.
Ayaw ko na sanang patulan ang isyu ng nangyari sa Wowowee kaya lang pinuyat ako ng YouTube sa panonood ng video ng segment ng WILYONARYO.
Ngayong napanood ko na ang video ng sinasabing pandaraya, sayang at hindi ko pa ma-upload dito, sa aking palagay, isang ngang malaking pandaraya eto ng programa.
Bakit ko nasabi? Sa di sinasadyang pagkakamali mismo ni Willie Revillame, imbes na ang numerong “2″ ang mailabas niya agad, ang numerong “0″ ang kanyang naipakita sa audience. Bigla tuloy siyang nagulat at napabigkas ng “Ay! Mali, mali!” Sabay tawa. Halatang mayroong dayaan sa palaro ng programa. Katulad nga ng katanungan ni Joey de Leon, ano ang dahilan at bakit may dalawang numero doon? Mechanical glitch nga ba ang tawag dun? Hindi ‘ata. Mas kapani-paniwala pa kung sasabihin nilang human error ang nangyari dahil si Willie mismo ang nakahawak sa “mga” nakatagong numero.
Isang pagtatangka ng pandaraya sana kung hindi ito nailantad sa milyong-milyong manonood. Ang kaso, nabuking sila.
Ang pananaw at opinyon ko rito ay bilang isang responsableng mamamayan at manonood. Hindi ako kumakampi kaninuman. Eto ay para sa katotohanan lamang.
Oo, marami na ang natulungan ng Wowowee, ngunit kailangan din nilang ipaliwanag ang naganap na insidente at huwag ang pagbabato ng kung ano-anong hindi magandang salita ang atupagin ng kampo ni Willie. Mabuti pang harapin niya ang imbestigasyon ipapatawag ng DTI at ng iba pang ahensya at ipaliwanag niya ang totoong dahilan sa likod ng kanilang patimpalak.
Naniniwala ako na matatalino ang manonood. Sana lang ay piliin at tangkilikin ng manonood ang mga programang malinis at hindi ang panlalamang ang iniisip sa kapwa.
Para naman kay Mr. Joey de Leon, sa palagay ko nasabi na ninyo ang mga gusto niyong iparating sa publiko at kay Willie. Hayaan na lang po natin na maimbestigahan ang naturang insidente at hintayin kung ano man ang ipapataw nila sakaling mapatunayang may pagkakamali sa programang Wowowee.
Parehong may taga-sunod at mga tumatangkilik sa Eat Bulaga! at Wowowee. Ang kailangan natin ay maging responsable po tayo sa mga ikinikilos at mga aksiyon na ipinapakita natin sa ating mga taga-hanga. Yun lang ang kailangan at siguradong dadami pa ang manonood sa dalawang noontime show.
Wowowee Updates: 09/17/07
Napanood ko nung nakaraang Sabado ang segment ng Wilyonaryo at nakita ko ang pagbabago ng programa sa hangaring makapagbigay ng tapat na paglilingkod sa mga manonood.
Ang SGV ay magiging kasama na ng Wowowee sa pag-gabay at upang masiguro ang isang tapat na palaro. Tatlong representante ng ahensya ang tutulong sa programa upang maayos na maisagawa ng maayos ang patimpalak ng walang pagkakamali o pandarayang mangyayari katulad ng naganap kamakailan lamang.
Sana ay magpatuloy ito upang lalong umangat ang antas ng mga ganitong programa na ang mga tumatangkilik ay yaong mga taong naghahanap ng magandang kapalaran, sumusugal sa mahabang pila, kinakalimutan ang gutom, marating lang ang pagkakataong makasali sa mga patimpalak.
Willie, ituloy mo ang iyong magandang layunin!


















YUN YON! welcome sa forum!
By: chuvaness on September 2, 2007
at 6:21 pm
oi wag nyo nman poh pagtulungan ang wowowee kasi hindi nman yun sinasadya ni mr.willie revillame kasi talagang nagkamali lang talaga sya…hindi nman lahat ng tao ay perpecto eh! kaya wag nyong husgahan ang isang tao na hindi nman talaga sinasadya alam nman ng dyos ang mga tama at mali eh!…tsaka hindi lng nman yun eh!…kaya lang siguro ang dami ng nananira sa wowowee kasi hindi nila mapantayan ang wowowee……ang hangad lang nman ng wowowee ay madpasaya ng maraming pilipino at mamahagi ng kakaunting tulong kundi dahil sa wowowee…siguro lalo ng nging mahirap ang mga pilipino ngaun………
kaya sana sa mga nanunod ng wowowee wag pog tayong maniwala sa mga chizmiz na kinakalat ni________!!!!!!……..kasi inggit lng poh un eh!!…..dapat poh na mang galing kay mr.willie ang truth d b?….kaya sa mga fans ngWOWOWE
patuloy poh ntin subaybayan eto…dahil sila ang pag-asa ng milyong-milyong pilipino!!!!!!!!!!
kaya ——let’s———go——-wowowee——……………………..let’s go wowowee gogogogogogoogg!!!!!!!!!!!!!!!!!!……….. i loove uh!
By: christina on September 10, 2007
at 11:23 am
[...] See related article Wowowee Mali! [...]
By: On The Boob Tube « Pinoy Atbp! on January 15, 2008
at 1:59 am