Umaalingasaw na sa publiko ang sinasabing ma-anomalyang transaksyon na naganap sa pagitan ng gobyerno at ng ZTE Corporation. Lumalabas sa mga “bombang” pinasabog ni Joey de Venecia III, anak ni House Speaker Joe de Venecia, na isang korupsyon ang nangyaring bidding kung saan natalo ang kumpanyang Armsterdam Holdings Inc. na pag-aari ni Joey.
Sa mga inilabas na balita ng nakababatang de Venecia, nagkaroon ng pagtatangkang suhulan ni Comelec Chairman Benjamin Abalos etong si de Venecia sa halagang $10 milyon dolyares umurong lamang sa bidding! Sinabi rin ni Joey na dinuro siya ni First Gentleman Mike Arroyo nung sila ay nagkita. Pinabubulaanan naman eto ng kampo ni FG, ngunit tila ba nakakalimutan nila na napagkikita eto kasama ng napapabalitang nangongomisyong si Chairman Abalos sa golf practices at napabalita pa ang pagpunta ng Presidente Arroyo sa China upang dumalo sa pirmahan ng kontrata ng ZTE Corporations.
Ano ba ang nasa likod ng National Broadband Network project na ito at tila ba lahat ng politiko ngayon ay nakatuon ang pansin sa isyu? Malaking dagok ito sa administrasyon sapagkat ang anak mismo ng House Speaker – na kilalang maka-administrasyon, ang siyang nag-aakusa ngayon sa isang miyembro ng pamilyang Arroyo kaugnay ng anomalyang kinasasangkutan ng mga ito.
Nakapagsalita tuloy ang kaisa-isang anak na babae ng presidente at tila ba eto ay isang personal na pag-atake sa katauhan ni Joey de Venecia. Mula sa Willie vs. Joey dL, ngayon naman ay Luli vs. Joey dV!
Iginigiit naman ng abogado ng First Gentleman na malawak masyado ang pag-iisip ng batang de Venecia at tila ba ang ipinapahiwatig nito ay gumagawa lamang ito ng isang kathang-isip na alegasyon. Handa raw namang humarap sa senado si FG, na sa ngayon ay nasa bakasyon sa Hongkong, sakaling ito ay ipatawag ano mang araw at oras.
Isa sa mga inaakusahan naman na “bata” ni Joey na si Congressman Carlos Padilla ay nagsabi sa programang PALABAN (GMA 7, Huwebes ng madaling araw) na mahirap sabihing nagsisinungaling ang may-ari ng AHI dahil mahirap magparatang lalong-lalo na kung ang pinaparatangan ay mga taong malalapit sa “panginoon.” Mayroon diumanong sapat na ebidensya ang kampo ni de Venecia at may mga tetestigo rin na magpapatunay na nagkaroon nga ng anomalya dito.
Una ng kumalat ang balita noong pang Marso, taong kasalukuyan, noong nakatanggap ng sulat etong si Jarius Bondoc, isang manunulat para sa Philippine Star. Ang sulat na natanggap ng kaniyang programa sa Radyo, DWIZ, ay naglalaman ng mga isyu na nakalap sa pagitan ng bidding. Nag-imbestiga naman si ginoong Bondoc, at sa kaniyang mga nakalap na detalye sa industriya ng telekomunikasyon, napag-alaman na usap-usapan na nga eto sa mga sulok ng opisina ng mga telcos na may nangyari ngang katiwalian sa NBN deal.
Dahil sa mga pangyayari, biglaang nagpatawag ng miting si Presidente Arroyo kagabi sa Malakanyang. Isa si DOTC Secretary Leandro Mendoza sa mga ipinatawag. Halata rin naming nahahati ngayon ang senado at kongreso sa kung sino ang kanilang pinapanigan.
Importante nga naman ang Broadband Network para sa bansa, ngunit masyado raw malaki ang naging bayaran sa pagitan ng gobyerno at ng kumpanyang pag-aari ng mga Tsino na umabot sa higit sa $200 milyong dolyar.
Hindi na nga natin pinag-usapan dito ang nakaraang paghatol sa dating Pangulong Joseph Estrada, dahil ayaw po natin na maging karnabal pa ang naturang isyu. Ngunit etong ZTE Broadband deal ay isang isyung hindi dapat palagpasin at dapat lamang isa-publiko dahil ito ay isang malawak at malaking anomalya na lubhang makakaapekto sa gobyerno at sa ating mamamayan.
Humihingi ng eksplanasyon ang masa sa pangyayaring ito. Isa nga ba etong conspiracy at isang malawakang corruption? Hindi dapat itikom ang bibig ng mga taong nagnanais at naghahanap ng katotohanan.
Ano ang nasa likod ng pangyayaring eto? Mayroon nga bang nakinabang? Sino ang tunay na nagwagi dito? Isa lamang ba etong ganti ng natalong bidder?
Ano man ang nasa likod nito, kailangan ang masusing imbestigasyon. Hindi sana magamit ang mga pwesto ng mga taong nasasangkot upang maging malinis ang pag-imbestiga dito.
Pare-parehong malalaking tao ang mga sangkot sa anomalyang eto. Sana sa bandang huli, katotohanan lamang ang lumabas at huwag sanang mangyari na mauwi lamang ito sa wala. Wala sanang aregluhang mangyari dito kung meron nga at mapatunayang may anomalyang naganap. Sabagay, hindi lang sandaan libong piso ang pinag-uusapan dito, kundi milyong dolyar. Huwag lang sanang papasilaw ang mga nag-aakusa upang ang katotohanan ay lumabas.
Para naman sa kampo ni Joey de Venecia, kung may sapat kayong ebidensiya, ilabas niyo na upang hindi na mabitin ang mga taong naghahanap ng sagot sa isyu. Kung eto naman ay paninirang-puri lamang at pawang kasinungalingan, marapat lamang na mabigyan eto ng sapat na forum at imbestigasyon upang mapatunayan ang inyong pag-aakusa. Kung mapatunayang walang merito ang inyong akusasyon, dapat ay malaman din yan ng taong-bayan.
Katotohanan lang ang nais ng bayan!
See related story Chairman Abalos Nagbitiw!
October 25, 2007 UPDATES!!!
Inisnab ng ilang opisyal ng pamahalaan at pati na ni First Gentleman Mike Arroyo ang Senate Hearing ngayong umaga kaugnay ng ZTE Broadband Deal investigation. Hinikayat ng mga doktor ang First Gentleman na huwag munang dumalo sa mga lugar o pagtitipon na maaaring makasam sa kaniyang kalusaugan at magdulot ng karagdagang stress.
Samantala, dumalo naman ang ZTE whistleblower na si Joey de Venecia III at ang pagdinig ay may kaugnayan na rin sa Assassination Plot na isiniwalat ni Joey na pagtangka sa kaniyang buhay.
Pianratangan naman ni Transportation and Communications Secretary Leandro Mendoza na isa lamang “fairy tale” ang di-umanong assassination attempt na ibinunyag ni Joey de Venecia na kung saan ay idinawit din ang pangalan nila Transporataion and Communications Assistant Secretary Reynaldo Berroya at Bureau of Corrections director Ricardo Dapat na magkasamang nag-plano ng “slay-plot” attempt.
NOVEMBER 03, 2007 UPDATES!!!
Sa pagsapit ng Araw Ng Mga Kaluluwa ay tila ba multo na pilit na kinakatakutan ang mga imbestigasyon sa Hello Garci tapes, Malacanang bribery, Jose Pidal Expose, Fertilizer Scam, Diosdado Macapagal Scam, Northrail Scam, ZTE Broadband deal, at marami pang iba. Mayroon bang dapat ikatakot dito? Nagtatanong lang po…
JANUARY 08, 2008 UPDATES!!!
Salamat sa mga sumubaybay ng SCAM na ito at marami rin natulungan ang artikulo na ito sa mga estudyanteng gumagawa ng kani-kanilang proyekto. Thank you po at nakakatulong tayo!
Pero ano na ba talaga ang nangyari mga kuya?! Ha?! Mukhang tahimik na ang usapin dito ah! Kaya madami pa rin ang gumagawa ng mga kilos-protesta dahil na rin sa mga pangyayari sa pamunuan ng bansa. Andami pa ring anomalya pero mukhang nababalewala lang. Hmmm….Hello Garci?
Hay Naku! Ang Pinoy talaga! Bagong taon na, sana po ay magbago na rin ang ihip ng hangin para sa bayan natin! Agree?
Happy New Year to all!!!!


















…wow…its that the whole story???…if yes..at least now i know..and i have now the idea about this matter…tnx..we need this in school…thanks a lot…
Pinoy Atbp!: Thanks ben! Pinoy Atbp! is just one of the many site’s for your researches. Thanks for choosing Pinoy Atbp! for your latest searches!
By: ben on October 7, 2007
at 3:58 am
thank you nga pala sa mga impormasyong nakalagay d2 ah!
malaking tulong ito sa akin…… ksi proyekto nmin ito sa school!
MARAMING SALAMAT!
Pinoy Atbp!: Salamat din po sa pag-bisita!
By: bea on October 13, 2007
at 11:29 am
thanks for the information…
we should be aware of the issue…
dami na ang nangyayari sa bayan…
thanks pa rin…
By: theresa on November 2, 2007
at 11:43 am
salamat!!!
By: jay jay reddick on November 28, 2007
at 11:07 pm
Thank you po dahil po natulungan nyo poa ko sa aking project about ZTE Broadband Deal Scam.
Pinoy Atbp!: Wow! Thanks din at nakatulong ang Pinoy Atbp! sa mga gumagawa ng projects, like you Ray! Goodluck sa iyo!
By: Raymond on January 8, 2008
at 4:20 am
hoy mga studyanteng batugan! umaasa kau sa iba. magbasa kau ng news. news sa internet, at kung anu pa man. mga batugan tlaga studyante ngaun.
By: batugan kayo on January 18, 2008
at 12:26 am
Actually, that is what these students are doing, batugan….
They are researching info’s and news thru the internet, it doesn’t mean na “batugan” na sila nyan…
The fact that they exerted their effort means they did something…
If they copied the whole article, now that is their problem. But if they just get details and they put their own contributions on their work, that’s research…
I don’t find anything wrong when students or individuals drop by Pinoy Atbp! and search details on some topics that is written or uploaded on this site…
Clearly it means that Pinoy Atbp! is gaining traffic from (correct me if I’m wrong) students who need to research news and topics…
I am grateful for them for they did something also for Pinoy Atbp!…
I hope that there are no motive or malice from your comment, batugan….
Pinoy Atbp! is just here to contribute something, and if for some they find it worthwhile, Pinoy Atbp! thank them. For some who thinks otherwise, this is just what I have to say: You can never pleased everyone.
By: pinoy atbp! on January 18, 2008
at 3:01 am
actually,im not in to news..but lately i knew na dapat talagang maging aware ang mga tao dito sa isyu na ito.if you will just think about this matter throughly,the mere fact na meron talagang anumalya sa gobyerno natin dapat talagang magkaisa ang bawat isa para malabanan ang coruption!and thank you for the administrator of this website.at least we know whats going on.keep up and godbless..
By: babe on February 11, 2008
at 9:31 am
Thanks babe! Naks! Flattering naman
Here’s another related topic about that ZTE – http://unodostrez23.wordpress.com/2008/02/10/zte-scandal-unleashed-once-more/
God Bless!!!
By: pinoy atbp! on February 12, 2008
at 6:08 am
thanks a lot sa pag open nyo kung ano ba talaga ang mga nangyayari sa ating bansa specially sa isyong eto ang ZTE. well unil now palala pa ng palala eto sana lumitaw na ang katotohana sa kabila ng lahat ng mga pangyayari…
By: sweet6xy on February 16, 2008
at 6:01 am
wla keo pakialam,,,,kya kyang diskarte..anong clbi na internet kng d gagamtin db????where not ba2gan,,,
By: aby on February 18, 2008
at 2:07 am
magbago na ka
By: marla on February 18, 2008
at 1:43 pm
Thanks sa article.. assignment kasi namin sa skul.. atleast may idea na ako bout sa issue.. Thanks a Lot
By: Student on February 20, 2008
at 12:23 pm
Para sa akin sana malutas na ang mga anumalyang ito…………………dapat na tayong magbago ng paraan kailangan isipin natin ang kabutihan ng lahat para sa bayan…………
By: Leonelin Bigno on February 21, 2008
at 9:27 am
,,ah o.k.
,,tnx for the info…..
,,un lang…
By: joefer on February 24, 2008
at 7:47 am
Ano bayan!!!
By: tomas on February 25, 2008
at 6:21 am
ano reaction dito?
By: tomas on February 25, 2008
at 6:33 am
Salamat at alam ko na ngayon ang buang pang yayari tungkol sa isyu na yan! hmmp! matatapos ko na rin ang project ko! yehey! tnx pinoy atpb!
By: Junjun on February 26, 2008
at 2:05 am
the issue is realLy shocking…knowing na ‘BILYONG PISO’ ang pinag-uusapan at mapapatong pa talaga sa balikat ng bawat Pinoy ang hirap samantalang magpapaksarap ang mga makikinabang…well, mangyayari lang naman iyon kung hahayaan natin…kasi ang palagay ko….naggagamitan sina ARROYO at ABALLOS…mUtUalism kumbaga….SILA lnang ang beneficiaries….HINDI ANG MGA PINOY….kaya PLEASE GOD>>! SAVE US FROM ‘EVIL’ AND HER DESCIPLES…AMEN…!
By: EURI on February 26, 2008
at 9:10 am
is there really a need of a broadband project? are there some studies that will support for the feasibility of this project? who will use this? government employees? are these employess knows how to use computers? as ar as i know, government employees doesn’t know how to use computers. they prefer making some gossip to each other during office hours.
By: teki_mind on February 27, 2008
at 6:49 am
A new “STAR WITNESS” came out in the open in the name of one Dante Madriaga….Jun Lozada and Joey de Venecia, both denied knowing this man…What’s Madriaga’s mission and motive(s) in testifying, nobody knows for now…
Magmasid at magmanman…..
By: pinoy atbp! on February 27, 2008
at 7:39 am
is this the whole story? Thanks for the information.. it really help me.. I badly need these informations for our debate, I don’t have time to watch news kasi late na yung end ng class namin..
Maraming salamat po ulit!
By: monique on March 4, 2008
at 11:09 am
Salamat ATBP sa impormasyon!
By: renzo on March 5, 2008
at 12:32 am
Salamt sa mga info na nabasa ko d2 sa PINOY ATBP…. Now kahit papaano alam ko na ang mga Dilogyong nangyayari sa bansa now..
Tnx din kz lahat ng info d2 magagamit ko sa paggawa ng impeachment case project namin sa Political Science.. pinapagawa ba naman kmi ng 15 pages na impeachment case.. haynaku!!!
pero SALAMAT SA LAHAT TALGA SA PINOY ATBP!!
more blessing to come for ur site and sa mga taong nasa likod ng site na to… tnx
By: Mr. Reader on March 9, 2008
at 1:37 am
Salamt sa mga info na nabasa ko d2 sa PINOY ATBP…. Now kahit papaano alam ko na ang mga Dilobyong nangyayari sa bansa now..
Tnx din kz lahat ng info d2 magagamit ko sa paggawa ng impeachment case project namin sa Political Science.. pinapagawa ba naman kmi ng 15 pages na impeachment case.. haynaku!!!
pero SALAMAT SA LAHAT TALGA SA PINOY ATBP!!
more blessing to come for ur site and sa mga taong nasa likod ng site na to… tnx
By: Mr. Reader on March 9, 2008
at 1:38 am
salamat po sa info.. kso hndi ko po mxadong nbasa ang buong article… sorry… gusto ko lang kasi malaman ang mga advantages at disadvanteges ng broadband na ito sa bansa… debate kasi namin sa school… meron p nga pong anti-Lozadang nalalaman… pero tapos na kami dun…
salamat ulet!!
By: eLLen on March 10, 2008
at 11:28 am
hmmmm…. tsktsk
thankyou sa info
mag resign n ang dapat mag resign
tapusin n to!!!
By: Maotsepick on March 10, 2008
at 11:43 am
The “tele-novela” isn’t over yet! May bago na namang “star-witness” courtesy of sen. Ping Lacson….Subaybayan…..Hmmmmm….
By: pinoy atbp! on March 10, 2008
at 12:12 pm
tnx poh sAh inFo.,,
By: ANGIELINA on March 13, 2008
at 8:29 am
The so-called “star-witness” wasn’t a star afterall..Hmmm….Even Sen. Ping got surprised with the answers of Leo San Miguel….Sino ang kausap ni San Miguel over the phone wherein, accordingly to some who over-heard the conversation, sinabi niya sa kausap na “Yes, mam! I will lie”…Sinabi nga ba ni Leo eto? If yes, sino nga si “Mam?”
By: pinoy atbp! on March 14, 2008
at 3:10 am
thanks s iyo pinoy atbp! we should be aware in this kind of issue…pera ng ating governo ang pinag uusapan dito..war and wipes the culture of corruption!!!!di pwedeng nkatunganga lng tayo..corruption can be irradicated through initiating ourselves..
By: cherey ochate on May 1, 2008
at 6:14 am
thanksn2lungan nyo qmgawa ung project q…..
By: bin on September 19, 2008
at 4:25 pm
pwed po mag tanung kung pwede pa ba mabalik ang character na na delete…
tnx and more power….
By: cabal player on November 9, 2008
at 9:32 am
The never-ending saga continues…Eh ano ngayon kung pinakakasuhan si Neri – di pa rin niya ingunguso ang mga talagang nakinabang sa ZTE Deal! Good boy talaga!
Onli in the Philippines – ung mga taong nagbubunyag ng katiwalian ang siya pang sinosopla sa mga Senate hearing! Kawawa naman talaga sila JDVIII at Lozada….
The recent P1M meal by our “dear” President; the house of Mikey Arroyo in the U.S. of A.; the recent issue of Chavit Singson’s mauling of his common-law wife’s alleged boyfriend; and the latest Lacson’s “God save our government (Pilipinas) from Joseph “Ejercito” Estrada” – just shows how strong and the machineries of the government is really working to ensure the no-defeat of the administartion’s party inthe coming 2010 election!
By: pinoy atbp! on September 17, 2009
at 11:30 am