Posted by: pinoy atbp! | February 10, 2008

ZTE Scandal Unleashed Once More!

 jdvenecia

At hindi na po matapos-tapos ang malaking eskandalo ng taong 2007 at ngayon nga sa paglabas ng mga bagong testigo eh tila ba lalo lang napapatunayan ang mga kabulukan sa ilalim ng gobyerno Arroyo..Hmmm….Once more, with feelings!!!

Nakow, lagot na sila niyan! Pagkatapos lumitaw ng ”na-kidnap” este, nag-pasundong si Rodolfo Lozada Jr. ay humarap agad eto sa Senate Blue Ribbon Committee at tila ba kinukumpirma na nga nya ang mga naunang pahayag ni Joey De Venecia Jr. tungkol sa ma-anomalyang ZTE Broadband Deal!

Aysuskupo!!! Ambilis ng karma di ba? Kapapatalsik pa lang kay JDV as Speaker of the House, at pagkatapos naman mag-labas ng sama ng loob ni JDV, nasundan agad eto ng banat ni Lozada!

Lumalabas na tama lahat ang mga naunang pahayag ni Joey de Venecia Jr.! Anak ng pating! Kailangan pa bang i-memorize yan?!!!

Pero sa kabila ng lahat, tila ba ang lakas pa rin ng dating ng mga taong sangkot dito pati na ang mga alalay at alipores ng mga may kapangyarihan! Hindi nga ba’t tinatawag na ngayong “Bodyguard” na lamang ang dating ngayon ng AFP at PNP sapagka’t hindi na mamamayan ang unang pinagsisilbihan nito kung hindi ang mga nakaupo ngayon sa Malacanang!

Mabuti na lang at naging maagap at mabilis ang mga madre at pari na nag-bantay kay Lozada noong eto ay “sunduin” ng hindi mga nakilalang mga kalalakihan mula sa NAIA after niyang manggaling sa Hongkong – kung saan ay “nagtago” upang makaiwas sa imbestigasyon kaugnay ng ZTE Scandal!

Ngunit dala na siguro ng di na niya makayanan ang konsensiya ay lumipad na ito pabalik ng Maynila at humanda na ngang humaharap sa mga imbestigayson ngayon.

Eto iyung bahagi ng kaniyang testimonya:

lozada zte

Bayani ba siya o traydor? Parang si JDV, kung kailan siya napatalsik ay saka lamang niya sinambulat ang matagal na pala niyang “alam” na kabulukan ng gobyerno. Iyan tuloy ang iniisip ng ibang tao. Dahil ba wala na sila sa posisyon kaya sila lumalantad ngayon? Paano kung hawak pa nila at nakasandal pa sila sa pader? Gawin kaya nila ang pagbubulgar???

Basta ang alam ko, ang PANALO dito ay TAYO! Actually, lantaran na nga talaga ang korupsyon sa pamahalaan ngunit ewan ko ba’t hindi magawan ng paraan na magising ang mamamayan??!!! Sana sa mga susunod na araw eh “sumigaw” na ang MASA!

Akalain mong mayroon pa palang mas siga kaysa kay First Gentleman Mike Arroyo?! Huh!!!! Kung mayroong siga ng apoy, eh “siga” naman kung ihambing ni Lozano si Benjamin Abalos. Akalain mong kaya daw nitong takutin ang palasyo kung hindi ibibigay sa kaniya ang kaniyang “komisyon” dito sa ZTE Deal??? Hebigat!!! Onli here in the Philippines lang talaga nangyayari ang mga ganiyang garapalang transaksiyon!!!

Sa ibang bansa, may mga lider na kusang nag-bibitiw sa kanilang mga pwesto kapag may mga alegasyon sa kanila ng korapsyon at mga nasasangkutang eskandalo. Pero dito, harap-harapan na nga na nakikita ang mga kabalbalan ng mga gumagawa nito, eh sila pa ang napakalakas ng kapit sa kani-kanilang posisyon! Kapit-tuko, ikaw ba iyan???

So magsasanib na “daw” si dating Pangulong Erap at JDV…Hmmm…Ano kaya ang masasabi ng Ate Gloria mo diyan???

Ikaw, tatahimik ka na lang ba sa isang tabi???? Sabi nga sa isang kanta, “INOSENTE LANG ANG NAGTATAKA!”

Take note, hindi lang barya-barya ang ZTE Deal na ito! Bilyon dolyares na kick-back yan mga chong!!! Ang sarap naman ng buhay ng mga “ma-swerteng tao” kung natuloy eto at hindi nagkabistuhan! Hehehe, kaya nga ba ngayon eh, para silang nanghihinayang eh…Akalain mo, “Kupit na, naging Eskandalo pa!” Waaahhhh!!!!!!

Hay naku! Kayo na nga lang ang bahalang humusga dito! Magbasa-basa kayo ng mga pahayagan araw-araw ng hindi kayo nahuhuli sa mga isyung katulad nito…At mag browse-browse lang kayo sa internet at makikita niyo rin eto sa mga paborito niyong website!

O sige, abangan na lang natin kung aabot pa ng 2010 ang pamilya Arroyo sa Malacanang. Oh baka naman pag-gising natin bukas o sa makalawa eh, ibang mukha na ang bubulaga sa atin na nakaupo sa prestihiyosong upuan na matatagpuan lamang sa Malacanang!

Gudluck to us!

;)

See related ZTE Scandal HERE

TIDBITS UPDATES!

Feb 22, 2008

*Kawawa naman si CHED Chairman Romulo Neri! Mukhang nagkakaroon na siya ng “memory lapses” huh! Pero ang nakakatuwa dito, hindi niya idinenay or inamin kung “nasabi” nga niya na “evil” si PGMA! Hahahaha!!!! Kailangan mo na yata ng BACOPA, chairman!

*Magkakaroon ng rally sa Feb. 25 hanggang Feb.29, 2008! Malawakang kilos-protesta na ulit!

*May sagot ang Administrasyon diyan sa mga kilos-protesta. Sa Feb. 25, 2008 nag-aaya sila sa Luneta!

*Pati si  PNP Chief Razon mukhang nahawa na rin kay Neri! Pagkatapos sabihin na hindi sapilitang dinukot si Lozada mula sa NAIA, bigla etong kumambiyo sa Senado! Haayy!!! Isang malaking “circus” na naman eto!

*”I’m Sorry” ni PGMA noong 2004, naka-ilang take daw sabi ni Manay Gina De Venecia! Sabi na nga ba eh! Mukha naman kasing hindi sincere ang lolah niyo, hehehe…

*Senators Ping Lacson at Allan Cayetano, mga bagong witness sa “She is evil” statement ni Neri!

*First Gentleman Mike Arroyo lumipad patungong Hongkong sa gitna ng mga usapin laban sa kasalukuyang administrasyon! Baka naman susunod na si PGMA??? Hmm……At magbabakasyon! Hehehehe!!!!

*CBCP Angel Lagdameo nagsisisi at nakilahok pa sa EDSA 2 noon at nailuklok si Ginang Arroyo! Haayy buhay!

TIDBITS!!!

March 05, 2008

*Marso na po! Painit na ng painit ang usapin sa ZTE Scandal habang umiinit ang panahon sa ‘Pinas!

*”GMA, CORRUPT! Overstaying pa!” – sabi ni ERAP.

*”ERAP, manalamin ka!” – sagot ng Palasyo.

*CBCP, hati nga ba sa panawagan na “Gloria RESIGN!”????

*Madriaga, nagpautang ng P500,000 pesoses sa hindi pa gaanong kakilalang si Lozada??!!! Wow! Yaman mo ‘tol! Pautang!!!! Taksyapo!!!

*Stand-by lang ang KANO! Wait and see na lang tayo mga dabarkads!

*Wow, MAMANG PULIS! Sabi mo, pwede mga raliyesta…Eh bakit mo sila pinigilan makapasok sa mga highways??!!!

*Naman! DOJ please FOCUS sa ZTE Deal at ‘wag sa personal na buhay ni Lozada!

*Madam Susan, wer are you?

*New MEANING of AFP & PNP: Armed Forces of the President & President’s National Police!

*EO 464 kailangang ipawalambisa.

*ONLI in da Philippines: Ang whistleblower pa ang inaakusa kesa sa mga akusadong corrupt!

Watchathink mga Ka-Pinoy Atbp! ? Hmmm….

;)


Responses

  1. epal walang kwenta !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!weeeeeeeeeh nakakatawa achung karung klipertush eklaburn


Leave a response

Your response:

Categories