Posted by: pinoy atbp! | June 28, 2009

KAPITAN SINO

KAPITAN SINO

KAPITAN SINO

Ikaw, SINO KA BA TALAGA? Eto ang katanungang bumalot sa isipan ko pagkatapos kong mabasa sa loob lamang ng dalawang oras ang bagong libro ni BOB ONG. Dahil hindi ako pinatahimik nung isang gabi ng multo ng malayang pag-iisip, at dahil sa natuklasan ko na mayroon na palang bagong libro si MAESTRO, daglian akong naghagilap ng kopya kahapon sa isang lugar ng mga aklatan sa lungsod ng Kalookan. HANEP ang naging estilo ko sa paghahanap ng libro! Bitbit ang tapang ng isang mandirigma, lumusob ako sa gubat ng mga pinaghalo-halong libro at isa-isa kong ginalugad ang mga estante at pilit kong tinutuklas kung mayroong kopya sa lugar na iyun. Hindi ako humingi ng tulong sa mga taong naka-assign sa bawat pasilyo dahil ayokong makarinig sa kanila ng katagang makakapanginig ng aking kalamnan, katulad ng “AY! IYUNG BAGO NI BOB ONG SIR? SORRY PO, PERO OUT OF STOCK NA PO KAMI NUN…” Ang mga katagang iyan eh parang FEAR FACTOR sa aking utak. Paranoid? Maybe…Pero sigurado ako, kung FAN ka ni BOB ONG eh hindi mo kakayaning makarinig ng salitang naubusan ka na naman ng kopya ng libro! Pustahan tayo!

Pero hindi ako kasing galing ni LAPU-LAPU o ni RAJAH SOLIMAN, sumuko na din ako pagkatapos ng may halos limang minutong paikot-ikot at paghaba ng leeg. Pumunta ako sa kahera at malumanay akong nagtanong ng “AHERM! MISS, EXCUSE ME…SAN PO IYUNG MGA BOB ONG NIYO?” “Ay dun po sa may CUSTOMER SERVICE PO NAKA-DISPLAY, TANONG NIYO NA LANG PO…” “Thank you, miss!” Sapul! Nasa Customer Service na pala naka-display kaya pala kahit isang oras o buong araw akong iikot sa lugar na iyun eh hindi ko makikita ang KAPITAN SINO!

AT LAST! I GOT IT NA! WOOHHOOO!!! Iyan ang parang gusto kong ISIGAW habang binabayaran ko ang libro kaya lang nag-aalala lang ako baka mapagkamalan akong adik. Umalis ako sa lugar na iyun an may yabang sa pakiramdam. Taglay ko ang bagong agimat para sa aking makulit na pag-iisip. YABANG MO ENZO! Ang nasabi ko na lang.

Dahil may lakad pa ako kahapon, minabuti kong mag multi-tasking. Habang nag-aabang ako ng taxi eh isa-isa kong binubuklat ang pahina ng bagong libro. Problema lang, kada tingin ko sa isang pahina eh siya namang lumalagpas ang mga walang lamang taxi! Namputsa! Hehehe, hindi na bale, nag-eenjoy naman ako kakabasa eh. Hanggang may pumarang taxi sa harapan ko. “Manong sa may Espana tayo…”

Sa madali’t sabi sa loob ng halos dalawang oras mula sa sinakyan kong taxi at sa pinuntahan kong lugar eh natapos kong basahin ang KAPITAN SINO.

Komedi ang simula ng kwento sa pakikipagtagisan ng ating bida ng talino sa batang tinawag niyang Ging-Ging papunta sa medyo ma-dramang pagpapakilala sa katauhan ni Rogelio A.K.A. KAPITAN SINO, at sa kaniyang mga magulang. Isa-isang pinakailala ang mga tauhan na nilahukan ng “lab interest” na hindi maaaring mawala sa mga ganitong istorya. At siyempre ang pinaka-paksa at kung ano talaga ang istorya ay MALALAMAN MO LANG KAPAG BUMILI KA NA NG SARILI MONG KOPYA! Sensya ka na, ganyan talaga kaming mga FANS ni Bob Ong, kung gusto mong mabasa ang mga gawa niya, BUMILI KA! Tsaka maakusahan pa akong SPOILER, Lagot!

Eto na lang ang masasabi ko, maganda ang istorya ng KAPITAN SINO. Punom-puno ng aksiyon at hitik sa mga nakaka-aliw na eksena na tanging Bob Ong lang ang dating. Ang hindi ko lang malaman ngayong kung sasang-ayunan ako ng mga Bob Ong fanatics, na mas naaantig pa rin ang aking damdamin sa kwento nila Cyrus, Jim, Noel at Voltron, ang pusa at si Mang Justo sa MACARTHUR. Marahil dahil ang kwento nito ay mas malapit sa totoong pangyayari at nangyayari sa ating lipunan, mapa-noon hanggang sa ngayon.

Sa isang banda marami pa rin akong natutunan na leksyon sa KAPITAN SINO. Mukhang nakakatawa at nakakaaliw ang istorya pero sa kabila ng mga iyun ay seryoso at meron pa ring mga katotohanan at aral na mababasa sa KP.

Sa Kapitan Sino ay parang bumalik sa aking alaala ang kwento sa Biblya tungkol sa isang nilalang na tinawag na Messiah. Pinagkatuwaan, ginamit, nagamit, sinamba at nahingan ng maraming tulong ngunit sa kabila ng lahat ay ipinagkanulo at isinakdal upang ma-ipako sa krus ng sambayanan. Ikaw SINO KA BA TALAGA? Isa ka ba sa mga taong magsasakdal sa isang malagim na kahahantungan ng isang nilalang na nagbigay ng kaniyang oras at handang magbuwis para sa sambayanan para lang sa sariling kapakanan?

Ikaw ba ay katulad ng ibang residente ng Gotham City na ang tingin kay BATMAN ay isang bayolenteng superhero? Isa ka bang Jonah Jameson ng Daily Bugle na hate na hate si Spiderman? Ah, ganyan ba talaga ang buhay? May mga handang tumulong at magbuwis ng buhay pero kinatatakutan, ikinakahiya at kinamumuhian ng mga taong kaniyang pinaglalaanan ng buhay.

THERE IS SOMETHING STRANGE IN YOUR NEIGHBORHOOD. Mabuti pa ngang manahimik na lamang. Wala naman talagang mapapala ang isang superhero sa pagtulong. Hindi naman niya yun ikakayaman. “Excuse me! I’m Bruce Wayne!” Tama nga si Mang Ernesto kung ganoon. Ngunit kung isang superhero ka talaga, ‘di naman importante ang pera o karangalan hindi ba? Ang tanging nais mo lamang ay makatulong. Ngunit paano mo haharapin kung ang mga taong nais mong tulungan ay siya ring mga taong maghahatid sa iyo sa malagim na kapahamakan? Ikaw, PAYAG KA BANG MAGING SI KAPITAN SINO?

Pero bakit parang nang-aasar palagi ang tadhana? Kung kailan wala na ang isang tao, saka naman sandamakmak na karangalan ang ibinibigay? Aanhin pa ang damo kung na-itapa na ang kabayo? Para pagkakitaan? Naisip ko lang, kamatayan lang palagi ang magsasalba sa isang tao upang mapagtanto ng karamihan na may nagawa pa rin pala siyang kabutihan noong siya’y nabubuhay pa at hindi lamang puro kabalustugan! Nakakatawang nakakainis ang katotohanan.

Sa mga pumanaw na ngayon at sa mga nakalipas na taon, May You All Rest In Peace!

Para kay Farrah Fawcet. Para kay Heath Ledger. Para kay Ninoy Aquino. Para kay Michael Jackson. Para kay Jose Rizal. Para kay Eddie Guerrero. Para kay Francis M. Para sa lahat ng hindi nabanggit na nakapagbigay ng mahalagang kontribusyon, in anyway around their family, friends and community.

Salamat Bob sa muli mong pag-pitik sa aming kamalayan! Mabuhay! (hehehe, bakit kaya lage etong isinisigaw? Wala naman sigurong gustong mamatay ah? hehehe uli!)

- Pinoy Atbp!

*also posted at http://www.facebook.com/note.php?created&&suggest&note_id=221271890170#/note.php?note_id=221271890170&ref=nf


Responses

  1. Graveh! Ang galing mo! Honestly, ultimate fan din aq ni bob ong.. Kea lng ndi pah q nka2bili ng kht 1 copy ng libro nia.. Hehe.. Peo mrme nqng nbza! Haha.. Financial prob? Ndi nman.. Tntry q lng kng cno pah zah mga tao ang my mpgbigay nah puzo! Hehe.. In fact, my 1 nq nah nbizto nah zvrang dimot! Peo wla aqng mggwa! Bzta aq idol q tlaga c bob ong… Ang gling gling ng style nia! He’s one of th0se pe0ple wh0se inspiring me t0 g0 0n.. (nax!) xempre # prn xaken ang BIBLE @ xempre ang auth0r nun! Nxt lng c b0b 0ng.. Hehe.. G0d blez..

  2. salamat mharj (na habang binabanggit ko ang pangalan mo ay napapa-ganito ako: mahahaarrjhhhh! hehehe dyoks lang)!

    oh yung may mapagbigay daw na puso dyan, paki-ambutan nga si mharj ng kopya nyahahaha!


Leave a response

Your response:

Categories