Naisipan kong dumaan kanina sa SM Marilao pagkatapos kong magbayad ng electric bill.
Nag-ikot ikot lang naman ako bago ako tuluyang umuwi ng bahay. Tumingin-tingin din ako ng dvd player at nag-hanap ng remote control para sa aming tv. Konting silip at testing at bibilhin ko na sana ngunit di napagana nung empleyado ng appliance center ung remote.
Bumaba ako sa may grocery at pumili ng maipapasalubong at ng makapili nako ay tumuloy nako sa kahera.
“Sir, may Advantage Card po ba kayo?” Alam ko na iyun ang itatanong sa akin kaya inilabas ko na agad ang aking SM Advantage Card. Habang kinokompyut iyung aking babayaran ay tinanaong ko iyung kahera kung ano-ano ba ang nmakukuha kong points sa pag-gamit ng Advantage Card. Natuwa naman ako ng sinabi sa akin na maaari kong magamit pambayad ung mga points ng aking AC.
“Wow!” ang nasabi ko sa aking sarili kaya agad kong pina-check kung ilan na ang points ko at nung malaman ko na pwede kong magamit na pambayad iyung laman ng aking AC ay sinabihan ko agad iyung kahera na iyun na ang gagamitin kong pambayad.
Biniro ko pa siya kung pwede ko rin kayang i-withdraw ung points sa mga atm ng BDO. Siyempre hindi pwede hehehe.
P393.00 ang total bill ko at sa panahon ngayon malaking bagay na iyun na makatipid sa mga gastusin. Okey naman pala talaga iyung ilang beses kong pamimili sa mga sangay ng mall na ito gamit ang Advantage Card. P200.00 worth of items bought = P1.00 ang katumbas ng bawat puntos. At kung iisipin, halos humigit kumulang na P70,000 na pala ang nagastos ko sa mga nakaraang buwan. Maige rin naman pala na mayroong Advantage Card.
Eto iyung first time ko na magamit ang mga points ng aking Advantage Card at masasabi ko na ADVANTAGE NGA ang SM Advantage Card!
Sa nakakalungkot na balita naman:
Sa oras na ito ay sinalanta ng malaking baha ang mga probinsiya ng Baguio, Cagayan, Pampanga, Pangasinan, Ilocos Sur, Ilocos Norte, Tarlac at iba pang karatig pook dahil sa pananalasa ng bagyong Pepeng. Ika-tatlong beses na itong pag-hagupit ni Pepeng pagkatapos ng pagsalanta ni Tropical Storm Ondoy sa Metro Manila, Marikina, Bulacan, Laguna, Quezon City at iba pang lugar noong nakaraang Septyembre 26, 2009.
Isa ang SM Mall sa mga tinamaan ng mga pag-baha ng mga bagyong dumaan. Sa kasalukuyan, binaha din ang SM Rosales dahil sa hindi mapigilang pagragasa ng tubig-baha sa Pangasinan.
Mabuti naman at paalis na si Pepeng palayo sa ating bansa at sa ganap na ika-9 ng gabi bukas, ibinalita ng taga-pag salita ng PAG-ASA ang paglayo ni Pepeng sa ating Area of Responsibility.
Maraming nasirang sakahan, pala-isdaan at kabuhayan ang bagyong Pepeng. Marami na rin ang naitalang namatay at nawawala. Sinisikap naman ng NDCC at iba pang ahensiya at mga private organizations, katulad ng Philippine Red Cross, na umalalay, tumulong at mag-ligtas sa ating mga kababayan na na inabot ng malaking pag-baha sa maraming lugar sa Northern Luzon.
Sunod-sunod na bayo na ito sa ating bansa. Mabuti na lang at hindi tayo masyadong ginulo ni bagyong Quedan, ngunit sa Japan naman ay nai-ulat ang malaking perhuwisyong idinulot ni Melor (international name ni Quedan). Kabi-kabilang tsunami, lindol at bagyo ang nararanasan ng iba’t-ibang bansa rin, isang patunay na masyado ng malaki ang pinsala na nagdudulot ng climate change sa buong mundo.
Kailangan lang ay ang madaliang pagkilos ng lahat ng lider at mamamayan ng bawat bansa para mapangalagaan pa natin ang ating Inang Kailikasan at ang ating mundong tinitirhan.
.jpg)
















