Posted by: pinoy atbp! | October 12, 2009

Hagupit Ni Pepeng!

satellite

Hindi pa man nakakagalaw ng maayos ang ating bansa dahil sa pagsalanta ni bagyong Ondoy ang ating bayan, heto’t hinagupit naman tayo ni bagyong Pepeng (PARMA) nitong pagpasok ng Oktubre – siyang kalalabas lamang ni Ondoy.

Halos pagkalipas lamang ng isang linggo ay sumalanta etong si Pepeng na nagdulot na malawakang pagbaha sa Pangasinan, Baguio, Ilocos, Tarlac, Pampanga, Cagayan at ibang parte ng Bulacan. Nagkaroon din ng mga sunod-dunod na landslide sa mga parte ng Ifugao at Benguet. Nag-iwan ito ng mga pagkabitak ng mga pangunahing kalsada papuntang Pangasinan, La Union at Baguio. Umabot na sa 40 ang naitalang landslide.

Impassable pa rin ang Marcos at Kennon Road habang ang Naguilian ay isanasaayos pa rin sa mga sandaling ito ang kalsada.

SA kasalukuyang tala ay umabot na sa P15.5 Bilyon halaga ang nasira sa agrikultura, inprastraktura at mga pang-kabuhayan sanhi ng dalawang bagyo.

Umabot na rin sa 500 ang mga naitalang nasawi bunsod ng mga pag-baha at pag-guho ng mga lupa mula sa mga katabing bundok ng mga apektadong lugar ng bagyo.

Dahil na rin sa pagpapalabas ng tubig mula sa San Roque Dam, naapektuhan na rin ang Calumpit sa Bulakan na hindi naman nasalanta nuong dumaan si Pepeng. Nagulat ang mga residente dito dahil sa bilis ng pagtaas ng tubig na halos umabot na rin sa lagpas-taong tubig-baha.

Nanganganib na rin ang mga bata at iba pang mamamayan na nasa evacuation centers dahil sa mga pagkalat ng mga sakit na leptospirosis at dengue.

Sampung araw pagkatapos manalasa ni Pepeng ay unti-unting bumabangon ang mga bayang naapektuhan ng bagyo katulad ng Pangasinan, Baguio at Tarlac.

Panibagong simula na naman para sa mga residente dito. Lubhang nakakalungkot lamang na ang mga pinagkukunan ng mga pangkabuhayan nila ay nasira ng bagyo katulad ng mga palayan, maisan at palaisdaan.

Marami ring establisyemento ang lubhang nasalanta at nalugi dahil sa pangyayari.


Leave a response

Your response:

Categories